November 14, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Guro sumakay ng tramline para makatawid sa rumaragasang ilog, makapasok sa paaralan

Guro sumakay ng tramline para makatawid sa rumaragasang ilog, makapasok sa paaralan
Photo courtesy: Screenshots from Dragon Fruit Ladies (TikTok)

Hinangaan at humaplos sa puso ng mga netizen ang isang TikTok video kung saan mapapanood ang isang babaeng gurong tumatawid sa tinatawag na "tramline" para makapunta sa kabilang ibayo ng isang rumaragasang ilog, at makapasok sa kaniyang pinapasukang paaralan.

Sa TikTok account na may pangalang "Dragon Fruit Ladies," makikita ang isang babaeng guro at isang lalaki na sumakay sa tramline upang makatawid sa ibabaw ng ilog na napakalakas ng agos.

Hindi umano alintana ng guro ang risk na posibleng mapatid ang tali ng tramline at mahulog sila ng kasama sa ilog, na puwedeng maging banta sa kanilang buhay. Ang nabanggit na tramline ang ginagamit ng mga residente sa San Jose, Brgy. Manoot, Rizal, Occidental Mindoro, upang makatawid sa kabilang ibayo at makapunta sa iba't ibang sitio.

Ang nabanggit na guro, na hindi natukoy ang pagkakakilanlan, ay patungo raw sa Sitio Danlog kung saan matatagpuan ang pinapasukang paaralan.

Human-Interest

'Puro kayo Labubu, mas masaya to!' Paper dolls noong 90s, naghatid ng nostalgia

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. Bagama't may pumupuri sa guro na wala naman daw sigurong pamimilian kundi gumamit ng tramline, kinalampag ng mga netizen ang lokal na pamahalaan gayundin ang pambansang pamahalaan, na sana ay magkaroon ng mas maayos na paraan ang mga residente sa nabanggit na lugar, para makatawid sa kabilang ibayo ng ilog.

"ang lawak po kase ng Pilipinas hindi naman malalaman ng pangulo yan kung hindi i-aaddress ng Deped or Local Government unit yung sitwasyon nila dyan. kaya nga may elected officials tayo."

"Senate at Congress, o sa local government nila, sana po aksyunan yan. Hindi biro ang ganiyan, nakakatakot at talaga namang buwis-buhay."

"government should do something about this"

"This is so sad, if only we have better government officials serving the country."

"No life vest is not safe ingat mga teachers students kayo sa pag tawid."

"See! Dami dami dapat ayusin sa Phil., tapos away away cla sa govt??? Politics."

"Sana naman pagtuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan ito."

"Sinong congressman dyan dapat ipagawa tulay grabe nakatakot tumawid dyan."

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang update mula sa uploader kung nakarating na ba sa mga awtoridad ang panawagan ng mga netizen.

Sa iba pang TikTik video ay makikita pa ang isang bata na sumakay rin sa nabanggit na tramline.