December 23, 2024

Home BALITA Eleksyon

Ejay Falcon, kakandidatong kongresista sa Oriental Mindoro

Ejay Falcon, kakandidatong kongresista sa Oriental Mindoro
Photo Courtesy: Ejay Falcon (FB)

Inanunsiyo na ni Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon ang pagtakbo niya bilang kongresista sa ika-2 distrito ng nasabing probinsya sa darating na 2025 midterm elections.

Sa ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, Setyembre 28, isa umano si Falcon sa mga ipinakilala ni Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor na kabilang sa ilalim ng GSM local party o Galing at Serbisyo para sa Mindoreño.

“Marami po akong nakikita na kailangan pang ayusin at paunlarin pa ang segunda distrito. Dahil panahon na po talaga para sa akin na mayroong bagong mukha,” saad ni Ejay.

“Bigyan natin ng pagkakataon ang mga kababayan natin sa 2nd district ng Oriental Mindoro na makapili po kung sino ang gusto nilang suportahan, gusto nilang tulungan,” wika niya.

Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas

Dagdag pa ng actor-turned-politician, naniniwala rin daw niya na mas marami siyang magagawa bilang kongresista.

“Dahil siyempre congressman, may sapat na pondo,” aniya.

Samantala, ang kapatid naman ni Dolor na si Dr. Hubert Dolor ang kakandidatong bise-gobernador sa nasabing probinsya habang si Hiyas Dolor na asawa niya at kasalukuyang provincial administrator ay nominado sa FPJ Partylist.