December 23, 2024

Home SPORTS

Para sa panibagong ginto? Carlos Yulo, balak sumali sa 3 kompetisyon sa 2025

Para sa panibagong ginto? Carlos Yulo, balak sumali sa 3 kompetisyon sa 2025
Photo courtesy: Olympics (website)

Ipinahayag ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang muli niyang pagbabalik sa gymnast floor para sa darating na 2025 nang bumisita siya sa isang ice cream factory noong Huwebes, Setyembre 26, 2024 sa Malvar, Batangas.

Sa isang eksklusibong tour sa ice cream factory ng “Aice,” ibinahagi ni Yulo ang tatlong kompetisyong kaniyang gustong salihan. 

"May gusto ako salihang competition pero tatlo lang po sasalihan ko: Asian Championships, World Championships, at SEA Games,” aniya. 

Samantala, ayon sa ulat ng Fastbreak, kasama rin sa naturang pagbisita ni Caloy sa ice cream factory ang paggawad sa kaniya ng ₱2 milyon bilang cash incentives at isang taon ng supply ng ice cream.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama ni Yulo sa tour ang mga kapwa Olympian na sina Paris Olympic bronze medalist Nesthy Petecio at Eumir Marcial, gayundin ang presidente ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na si Cynthia Carrion.

Tinanggap ni Petecio, ang halagang P300,000, habang si Marcial ay tumanggap ng espesyal na pagkilala para sa kaniyang mga nagawa sa larangan ng boxing.

Kinumpirma rin ni Caloy na muli siyang magbabalik sa training sa darating na Nobyembre 2024.

“Siguro mga late November mag-start na ako pakonti-konti. Pero mag-start na po talaga ako 2025 na po, January dun mag-start mga training camps,” saad ni golden boy. 

-Kate Garcia