Tatakbo raw bilang independent candidate si dating Senador Panfilo "Ping" Lacson sa 2025 midterm elections.
Sa isang Facebook post, sinabi niyang tatakbo raw siyang independent candidate at guest candidate lamang daw siya sa Nationalist People’s Coalition (NPC).
"I am running as an independent candidate, not being a member of a political party. I am a guest candidate of the Nationalist People’s Coalition (NPC), which is part of an alliance of five major political parties that includes the administration’s Partido Federal ng Pilipinas," saad ni Lacson. "Make no mistake - I am proud to be part of a grand alliance of our country’s five major political parties."
Ibinahagi rin ng dating senador ang "shared motto" nila ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Aniya, "I have no doubt in my mind that should I win next year, President Marcos fully recognizes my consistent role as a fiscalizer guided only by our shared motto: “Ang tama ay ipaglaban; ang mali ay labanan.”
Si Lacson ay naging senador noong 2001 hanggang 2013; 2016 hanggang 2022.
Taong 2022 nang tumakbo siyang pangulo ng bansa kung saan nakatunggali niya si Pangulong Marcos.
Nito lamang Huwebes, Setyembre 23, kasama si Lacson sa line-up ng senatorial candidates na ineendorso ng administrasyon para sa 2025.
BASAHIN: PBBM, ipinakilala mga kaalyansang senatorial candidates para sa 'Bagong Pilipinas'