January 23, 2025

Home SHOWBIZ

Kung makakabalik sa nakaraan: Priscilla, 'di muna papakasal nang maaga

Kung makakabalik sa nakaraan: Priscilla, 'di muna papakasal nang maaga
Photo Courtesy: Priscilla Meirelles (IG)

Ibinahagi ng Brazilian model-actress na si Priscilla Meirelles ang gusto niyang baguhin kung sakali mang magkaroon siya ng pagkakataong makabalik sa nakaraan.

Sa latest episode ng “Luis Listens” kamakailan, sinabi ni Priscilla na kung may babaguhin man siya sa nakaraan ito ay ang pagpapakasal nang maaga. 

Ayon sa  Brazilian model-actress: “I have plans para sa buhay ko. So mayro’n akong parang time frame. This time of my life, I want to do this. This time, I want to get married. This time, I want to have kids.”

“I think that nowadays, you know, the time frame has changed so much. If there is one thing that I would change—but I do not regret—but if I had that chance to change that I wouldn’t have got married so early in my age,” wika niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dagdag pa ni Priscilla: “Because getting married it stopped me for doing so much things. Because when you become a wife and a mother, of course limited ka.”

Matatandaang nagsimula na namang pag-usapan sina John Estrada at Priscilla noong Hulyo matapos pangalanan ng huli ang babaeng kasama umano ng mister nito sa Boracay.

MAKI-BALITA: Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?

Pero nilinaw ng aktor na wala raw siyang relasyon sa babaeng nali-link sa kaniya na si Lily Hallman. 

MAKI-BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

Bukod dito, binanggit din ni John na pareho raw nilang pinagdesisyunan ng misis niyang si Priscilla na mag-take muna ng break sa kanilang relasyon.

Ngunit sa inilabas na pahayag ni Priscilla, sinabi niyang "deeply shocked and disheartened" siya sa sinabi ni "Mr. Estrada" na mutual agreement ang kanilang "separation."

MAKI-BALITA: Priscilla, shookt sa sinabi ni John na 'mutual' pansamantalang hiwalayan nila