November 20, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Anak ni Francis M., nag-react sa girian kung sino 'King of Pinoy Rap'

Anak ni Francis M., nag-react sa girian kung sino 'King of Pinoy Rap'
Photo Courtesy: Screenshot from Francis Magalona Vevo (YT), Arkin Magalona, Andrew E. (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang anak ni Master rapper Francis Magalona na si Arkin Magalona sa gitna ng pagtatalo kung sino ang “King of Pinoy Rap.”

Sa Facebook account ni Arkin kamakailan, makikitang ibinahagi niya ang paskil ng Dongalo Wreckords tungkol sa umano’y tatlong requirements para kilalaning hari.

Ayon umano sa post ng Dongalo, ito raw ang mga kinakailangan upang matawag na hari: 1. You must be rapping and publicly performing by 1986; 2. You must have a retail rap album by 1990; 3. Your released album must be certified with a platinum record.

At batay sa mga nabanggit na requirements, sina Francis M. at Andrew E. umano ang mayroon ng mga ito.

Musika at Kanta

Andrew E., sa isyu ng 'Humanap Ka Ng Panget:' 'Yong accusation is not authentic'

Pero ayon kay Arkin: “Wala sa metrics ang pagiging ‘king.’ Kung buhay pa tatay ko siya pa mismo magsasabi niyan. Kusa ka magiging ‘king’ pag tinuring ka na ng mga tao bilang hari.” 

“Para sa fellow artists diyan, old heads and new wave, ilabas niyo lang ang mga gusto niyo ipakita sa mundo. maraming mga nag aabang at mag aabang pa sa mga bago niyong gawa, trust me,” dugtong pa niya.

Matatandaang nagsimula ang pagtatalo kaugnay dito nang bansagan ng isang pahayagan si Gloc 9 bilang “King of Pinoy Rap.”