Bilang dating pangulo ng Senado, pinayuhan ni Senador Migz Zubiri si Senate President Chiz Escudero, at maging ang mga susunod pang magiging Senate leaders, na huwag masyadong maging kampante sa kaniyang puwesto dahil “normal occurrence” daw ang ouster plots sa Upper Chamber.
Sa ginanap na Kapihan sa Senado forum nitong Huwebes, September 26, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Zubiri na bilang pangulo ng Senado, dapat daw ay maging handa sila sa lahat ng pagkakataon kung saan puwede silang palitan ng mayorya dahil normal lamang daw ang pangyayaring ito.
“It's a normal occurrence. I think, if you are Senate President, don’t be too comfortable in your seat. As Senate president, you should be ready at all times to respect the decision of the majority,” ani Zubiri.
“If there are 13 members who don’t want you there anymore, then you just have to respect the decision of the majority. You are at the beck and call of the majority at that point in time.
“So my advice to Senate presidents—current and future—never warm up too much on your seats. Never be too attached to your office,” saad pa niya.
Matatandaang nitong Miyerkules, Setyembre 23, nang ipagkibit-balikat ni Escudero ang mga umuugong na bali-balita hinggil sa Senate coup laban sa kaniya.
Nanumpa si Escudero bilang pangulo ng Senado noong Mayo 20, 2024 matapos magbitiw sa puwesto si Zubiri.
MAKI-BALITA: Escudero, nanumpa na bilang bagong Senate president