November 25, 2024

Home BALITA National

VP Sara, wala pa raw planong mag-endorso ng senador sa 2025 elections

VP Sara, wala pa raw planong mag-endorso ng senador sa 2025 elections
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB)

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na wala siya pa siyang planong mag-endorso ng senador sa 2025 midterm elections dahil nakatutok daw siya  sa ngayon sa pagdepensa sa Office of the Vice President (OVP).

Sa ginanap na press conference nitong Miyerkules, Setyembre 25, sinabi ni Duterte na wala siyang senatorial slate sa ngayon dahil nakatutok siya sa pagdepensa sa OVP na nasa ilalim ngayon ng kontrobersiya dahil sa umano’y maling paggamit ng pampulikong pondo.

 

“Sa ngayon, wala, wala akong Senate slate. Wala akong senators. Kasi nga sabi ko, nakatutok kami defending the Office of the Vice President,” ani Duterte.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

“I feel that that is my primary duty right now, to defend the office. So, nakatutok lahat ng effort ko doon.”Gayunpaman, titingnan pa rin daw niya kung magkakaroon siya ng oras na mangampanya sa Pebrero sa susunod na taon.

“We’ll see. Malayo pa naman iyong kampanya, sa February pa siya magsisimula. So tingnan natin baka pagdating ng February ano na medyo maluwag na and pwede na akong mangampanya,” aniya.

Kasalukuyang humaharap sa diskusyon ang ₱2.037 bilyong proposed budget ng OVP sa 2025 matapos tumanggi ni Duterte na ipagtanggol ito sa mga pagdinig ng House committee at hindi dumalo sa plenary deliberations.

Matatandaang noong Setyembre 12 nang inirekomenda ng House Committee on Appropriations na bigyan ng ₱733.198 milyong budget ang opisina ni Duterte sa 2025, mahigit kalahati ang nakaltas mula sa ₱2.037 bilyong panukalang budget ng opisina.

MAKI-BALITA: ₱2.036B proposed budget ng OVP sa 2025, balak bawasan ng ₱1.29B!

Bukod dito, nahaharap din ang OVP, at maging ang Department of Education (DepEd) na dating pinamunuan ni Duterte, sa pagdinig ng House good government committee dahil sa umano'y maling paggamit ng pondo.