December 23, 2024

Home FEATURES Trending

Viral teacher-contestant sa It's Showtime, umapelang itigil na smart shaming

Viral teacher-contestant sa It's Showtime, umapelang itigil na smart shaming
Photo courtesy: via Balita

Nakiusap ang nag-viral teacher-contestant sa "Throwbox" segment ng noontime show na "It's Showtime" na si Tony Dizon na itigil na sana ng bashers at haters ang "smart shaming" matapos niyang magkamali ng sagot sa tanong sa kaniya.

Nag-ugat ito nang magkamali siya sa tanong na kung sino ba ang kauna-unahang babaeng presidente ng Pilipinas, na ang naisagot niya ay Gloria Macapagal Arroyo aa halip na Corazon "Cory" Aquino.

MAKI-BALITA: 'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Binuweltahan siya ng netizens matapos daw niyang "iyabang" ang academic achievements at credentials gaya ng pagkuha ng doctorate degree at pag-present ng research paper sa isang conference sa South Korea, na siya lamang daw ang nag-iisang Pilipinong delegado.

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, maraming naka-relate

Matapos ulanin ng batikos ay naglabas ng isang video statement si Dizon at inako ang kaniyang pagkakamali. Sa kabila nito, hindi raw sapat na dahilan ito para kuyugin siya nang malala at balewalain ang mga tama niyang nasabi, nagawa, at mga naabot sa buhay.

MAKI-BALITA: Gurong nagkamali ng sagot kung sino unang babaeng PH president, nagsalita na

Sa panibagong video statement ay nakiusap si Dizon na tigilan na sana ang "smart shaming" o pagbatikos sa mga nagfe-flex ng kanilang mga narating o naabot sa buhay pagdating sa akademya.

Malaki man o maliit man daw ang achievement ng tao, dapat daw maging proud pa rin.

"Kaya nagkakaproblema sa mundo, not just in the Philippines kasi mahilig tayo magsmart shame," aniya.

"'Yong achievements ng mga tao, deserve nila 'yon."

"I can say na deserve ko rin 'yon because God knows how hard it is to achieve these things."

Nasasaktan pa rin naman daw si Tony sa mga nababasa niya online laban sa kaniya, kaya sana raw ay maghinay-hinay ang netizens sa "pagtatama" sa kaniya.

MAKI-BALITA: Guro, naglabas ng saloobin sa kapwa gurong namali ng sagot sa 'It's Showtime'