January 23, 2025

Home BALITA

PBBM, ipinakilala mga kaalyansang senatorial candidates para sa 'Bagong Pilipinas'

PBBM, ipinakilala mga kaalyansang senatorial candidates para sa 'Bagong Pilipinas'
Photo courtesy: Screenshot from RTVM

Opisyal at pormal nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang line-up ng senatorial candidates na ineendorso ng administrasyon para sa midterm elections 2025, sa naganap "Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024" na naganap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 26.

Nagbabalik-eksena ang mga dating senador na sina dating Senate President at 2022 vice presidential candidate Tito Sotto III, at 2022 presidential candidates na sina Ping Lacson at Manny Pacquiao.

Umaasam naman ng re-election sina Sen. Lito Lapid, Sen. Bong Revilla, Sen. Pia Cayetano, Sen. Francis Tolentino, at kapatid na si Sen. Imee Marcos.

Magtatangka namang makapasok sa senado sina Makati City Mayor Abby Binay, broadcast journalist at dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Erwin Tulfo, House Deputy Speaker, Las Piñas City, Lone District Rep. Camille Villar, at kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Benhur Abalos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binubuo ang alyansa ng limang partido gaya ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP) at National Unity Party (NUP).

Pinangunahan at sinaksihan din ni PBBM ang lagdaan ng manifesto ng mga partido para sa nabanggit na alyansa. Ito ay sina South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. para sa PFP, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa Lakas-CMD, Presidential Adviser on Legislative Affairs and Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Mark Llandro Mendoza para sa NPC, dating Senate President Manuel Villar Jr. para sa NP, at Camarines Sur 2nd District Representative Luis Raymund Villafuerte Jr. para sa NUP.