December 22, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Laro! Pinky Amador, luminya ng 'shiminet' sa Abot Kamay na Pangarap

Laro! Pinky Amador, luminya ng 'shiminet' sa Abot Kamay na Pangarap

Usap-usapan ang naging linyahan ng aktres na si Pinky Amador, gumaganap na kontrabida sa afternoon series na "Abot Kamay na Pangarap" matapos niyang sambitin ang salitang "shiminet."

Sa katatapos lamang na episode, nagpadala ng dragon dance ang karakter niyang si "Morgana Go" sa isang lamay, bagay na kinuwestyon naman nina "Lyneth" na ginagampanan ni Carmina Villarroel at Analyn, na ginagampanan naman ni Jillian Ward.

Paliwanag ni Morgana, tradisyon daw sa Chinese feng shui na magdaos ng dragon dance kapag namatayan upang maihatid ang kaluluwa ng namatay sa langit.

Bagay na kinontra naman ng isang miron na nagpakilalang Chinese, at sinabi niyang fake news ang sinasabi ni Morgana, dahil ang dragon dance ay ginagawa lang tuwing pagsalubong sa Bagong Taon.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Pinatunayan pa ng babae na Chinese siya matapos niyang magsalita ng Mandarin.

Maya-maya, pinakiusapan ng isa pang karakter na ayusin ni Morgana ang kaniyang paliwanag, matapos tanungin ni Analyn kung ano ang talagang intensyon niya sa pagpapadala ng dragon dance sa lamay.

"Ma'am Morgana, puwede po ba kayong sumagot nang maayos po?"

"Shiminet like my answer, shiminet like the way I answer, shiminet like the content of my answer, but I'm answering anyway," sagot ni Morgana.

Nagmula ang salitang "shiminet" sa naging sagutan nila ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriela matapos niyang untagin sa iba't ibang timelines at petsa ang Pangalawang Pangulo patungkol sa kaniyang nagdaang confidential funds, ngunit sumagot si VP Sara na nasa Korte Suprema na raw ang pagresolba ng isyu.

Nang tanungin siya ni Brosas kung maaari siyang makakuha ng kopya mula sa Korte Suprema, tahasang sagot ni VP Sara na, "Of course not. I am not the Supreme Court.”

Ngunit giit ni Brosas, "These are public funds. Everyone has the right to know about these. It’s a matter of public interest. We are asking for transparency and accountability."

Tugon naman ni VP Sara, "She may not like my answer. She may not like how I answer. She may not like the content of my answer, but I am answering."

Ilang mga netizen naman ang ginawang memes ang pagbigkas ng salitang "She may not" na ang tunog ay "Shi-mih-net."

MAKI-BALITA: Salitang 'Shiminet' trending, kanino galing at paano nabuo?

Samantala, hindi ito ang unang beses na nagamit ang salitang "shiminet" sa show. 

Pinagkatuwaan din ito nina Bela Padilla at Vice Ganda sa "It's Showtime."

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Bela Padilla pinagkatuwaan ang 'shimenet'

Pinagkatuwaan din ito ng ilang celebrities gaya nina Rhian Ramos at Saab Magalona sa kanilang social media post. 

MAKI-BALITA: Naghahanap daw ng gulo? Rhian Ramos, nilaro 'shimenet' ni VP Sara Duterte

MAKI-BALITA: 'Shiminet ng seven lions!' Saab nagpa-derma, pagod na sa government hearings

Samantala, nilaro din sa Abot Kamay na Pangarap ang naging linyahan naman ni dismissed Bamban, Tarlac City mayor Alice Guo nang una siyang sumalang sa senate hearing at sinabing lumaki siya sa farm at hindi na niya matandaan ang childhood niya. 

MAKI-BALITA: Seryeng Abot Kamay na Pangarap, nilalaro na lang?