December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Enzo Almario nagsalita tungkol sa pagdawit sa GMA Network sa rape issue

Enzo Almario nagsalita tungkol sa pagdawit sa GMA Network sa rape issue
Photo courtesy: Enzo Almario (FB)/GMA Network (FB)

Nilinaw ng singer na si Enzo Almario na walang kinalaman ang GMA Network sa alegasyon ng rape na inirereklamo niya laban sa musical director na si Danny Tan.

Lumutang si Enzo bilang pangalawang talent na ginawan umano ng sexual harassment ng musical director na si Danny Tan, matapos magsalita ng dating Pinoy Pop Superstar finalist-turned-GMA singer na si Gerald Santos.

Nangyari ang pagsisiwalat tungkol sa pangalawang biktima noong  Setyembre 12, 2024, sa pamamagitan ng isinagawang video announcement ni Santos at Almario. 

MAKI-BALITA: 1 pang biktima ng musical director na gumahasa umano kay Gerald Santos, lumitaw!

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, hanggang sa tila nadamay na nga ang Kapuso Network dahil sa poder nila nangyari ang mga inaakusang akto. 

Kaya bilang paglilinaw, ayon kay Enzo, walang kinalaman ang GMA Network sa mga nangyari, at kung nauna raw nalaman ng management ang tungkol dito, nakatitiyak daw siyang poproteksyunan siya nito.

"Hi, I just want to clarify something. GMA Network had no involvement in what happened to me," mababasa sa Instagram story ng singer, Setyembre 25.

"I'm confident that if they had known, they would have taken action and protected me. However, I didn't have the courage back then that I do now."

"As far as I know, the person involved worked with GMA Network, but wasn't actually part of the network."

"I know my purpose and intention in this, and if enduring a few people dismissing our trauma and painful experiences is the cost of helping those who are still afraid to speak up- and protecting future generations from facing what I went through-then I'll accept it."

Photo courtesy: Enzo Almario (IG)

Sinasabing nangyari ang harassment kay Almario noong 12-anyos pa lamang siya, matapos mapabilang sa binuong grupo na "Sugarpop."

Dalawa sa mga kasama niya rito ay pawang matatagumpay na ngayon sa showbiz gaya nina Rita Daniela (Rita Iringan pa noon) at Julie Anne San Jose, na bukod sa pag-awit ay pinasok na rin ang pag-arte. Ang isa pa nilang kasama ay si Pocholo “Cholo” Bismonte na hindi naman aktibo sa showbiz. 

Sila ay binuo ng musical director na si Danny Tan, na siyang itinuturo naman ni Gerald Santos na umano'y nagsagawa ng kahalayan sa kaniya noong 2005. 

Muling lumutang ang isyu ng umano'y panggagahasa ng musical director kay Gerald nang dahil sa kasong isinampa ng Sparkle GMA artist na si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng network na sina Richard Cruz at Jojo Nones. Si Sandro ay anak ng dating child star na si Niño Muhlach.

MAKI-BALITA: Richard Cruz, Jojo Nones itinatanggi pa rin bintang ni Sandro Muhlach

Mas lalong lumaki ang isyu nang ipatawag din sa senate hearing si Santos, sa pangunguna ni Sen. Robinhood "Robin" Padilla. 

Pinayuhan nila si Gerald na desisyon niya kung magsasampa pa ba siya ng kaso laban sa kaniyang pinararatangang musical director. 

MAKI-BALITA: Gerald Santos, lumuwag-dibdib matapos pangalanan ang umabuso sa kaniya

MAKI-BALITA: Gerald Santos, pinangalanan na umabuso sa kaniya

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pinangalanang musical director laban sa mga akusasyong ibinabato sa kaniya.

MAKI-BALITA: Danny Tan, tikom pa rin ang bibig sa kinasasangkutang isyu