Ipinagmalaki ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na ang nag-rank 1 sa naganap na September 2024 Social Worker Licensure Examination (SWLE) ay dating benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang 4Ps ay isang programa ng pamahalaan, na nagbibigay ng cash assistance sa mga pinakamahihirap na pamilya. Layunin nitong tugunan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga benepisyaryo na makapag-aral, magkaroon ng mas maayos na kalusugan, at makapamuhay ng mas ligtas at produktibo.
Ayon kay Dumlao nitong Miyerkules, Setyembre 25, ang Top 1 na si Sheena Mae Magdato Obispo na nakakuha ng 87% mula sa Camalig, Albay, ay mula sa Set 5 program beneficiary ng 4Ps.
Natutuwa si Dumlao dahil patunay aniya ito ng positibong epekto ng 4Ps para sa mga mag-aaral na nagsisikap makatapos ng pag-aaral.
"We are delighted to share that another former monitored child of our poverty-alleviation program bagged the top spot of the licensure exam for social workers, out of the more than 7,000 examinees,” sabi ni Dumlao.
PRESS... - Department of Social Welfare and Development - DSWD | Facebook
"We couldn’t be any prouder of Ms. Sheena Obispo’s achievement, just like how we view every success story of our 4Ps beneficiaries," saad niya pa.
"Altogether, their narrative speaks a lot about the support and opportunities we extend to also nurture our beneficiaries’ talent and potentials,” dagdag pa.
Makikita rin ang balita patungkol dito sa DSWD official Facebook page.