December 23, 2024

Home BALITA

PBBM, pinuri dalawang houses ng 19th Congress dahil sa 'display of unity'

PBBM, pinuri dalawang houses ng 19th Congress dahil sa 'display of unity'
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Nakatanggap ng komendasyon mula kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang mataas at mababang kapulungan ng ika-19 na Kongreso dahil sa kanilang "display of unity" sa pagsusulong ng key priority bills para sa bansa.

Sa Facebook post na mababasa sa opisyal na Facebook page ng pangulo, makikita ang pakikipagpulong ni PBBM sa dalawang pinuno ng Senado at House of Representatives na sina Senate President Francis "Chiz" Escudero at House Speaker Martin Romualdez, kasama pa ang iba pang mga senador at representatives, sa Malacañang Palace ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 25.

Ayon pa kay PBBM, inaasahan daw niya ang kolaborasyon ng dalawang kapulungan para sa mas mabilis na pagpapasa ng 2025 National Budget bago sumapit ang Kapaskuhan.

"I commend both houses of the 19th Congress for their display of unity in collaborating and pushing our key priority bills forward. I am counting on your continued support in passing the 2025 National Budget with our Agenda for Prosperity in mind, before Christmas," aniya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"This will fund crucial projects that will uplift the lives of all Filipinos. Para sa Bagong Pilipinas!" giit pa ng pangulo.

Bongbong Marcos - I commend both houses of the 19th Congress for... | Facebook

Matatandaang nagkaroon na ng budget hearing ang dalawang kapulungan para sa iba't ibang tanggapan at ahensya sa pamahalaan kamakailan.