January 22, 2025

Home SPORTS

One Sports, pumalag na matapos makaladkad sa fake news na pagpanaw ni Alyssa Valdez

One Sports, pumalag na matapos makaladkad sa fake news na pagpanaw ni Alyssa Valdez
Photo courtesy: One Sports (FB)

Binasag na ng One Sports ang pananahimik matapos madawit ang pangalan nito sa kumalat na satirical post sa umano’y pagpanaw ng volleyball superstar na si Alyssa Valdez.

Matatandaang ginulantang ng isang Facebook post ang volleyball community dahil sa naturang post na umano’y pagpanaw ni Valdez kung saan makikitang tila nagmula ito sa animo’y verified Facebook account ng One Sports noong Setyembre 14, 2024.

KAUGNAY NA BALITA: Alyssa Valdez 'pinatay' sa isang page, fans nataranta

Matapos ang halos dalawang linggo, naglabas na ng opisyal na pahayag ang One Sports sa lehitimo nilang Facebook page, araw ng Miyerkules, Setyembre 25, 2024 upang linawin ang kinasangkutan ng kanilang pangalan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

One Sports - ANNOUNCEMENT An anonymous post from a Facebook... | Facebook

“An anonymous post from a Facebook group recently circulated on social media, falsely claimed to be from One Sports and showed a malicious poster regarding volleyball player Alyssa Valdez.”

Iginiit din ng One Sports na edited umano ang pagdawit sa kanilang pangalan sa nasabing fake news at nilinaw na nakipag-ugnayan na sila kay Valdez.

“The link to the post was eventually edited, removing the One Sports label and only the graphic of Valdez remained.”

“This post is fake news. One Sports did not publish anything of the sort. This matter has also been cleared up with Valdez.”

Nananawagan din ito sa publiko hinggil sa pagpapakalat ng mga malisyoso at maling mga impormasyon.

“We urge the public to avoid sharing misleading posts and to stop spreading false information.”

Kate Garcia