January 22, 2025

Home BALITA National

Kahit nasa ₱700M na lang ang budget: OVP, tuloy pa rin ang trabaho

Kahit nasa ₱700M na lang ang budget: OVP, tuloy pa rin ang trabaho
Office of the Vice President of the Philippines/FB

Tuloy pa rin daw ang trabaho ng Office of the Vice President (OVP) kahit na umabot lamang daw sa ₱700 milyon ang budget na ibibigay sa kanila para sa 2025. 

"Sa ₱700 million, we will see kung ano 'yung maiwan and then we will work around that budget of the Office of the Vice President, pero definitely, tutuloy pa rin 'yung trabaho anuman ang budget ng Office of the Vice President," saad ni Duterte.

Bukod dito, kinumpirma rin ni Duterte na dadalo sila sa pagdinig ng Senado kaugnay sa panukalang budget ng OVP. Aniya, naghihintay lamang sila ng schedule. 

"Yes. Nag-aantay kami ng schedule galing sa Senate for the plenary budget hearing ng Office of the Vice President so a-attend kami doon," anang bise presidente.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Gayunman, hindi na raw nila inaasahang aabot pa ito sa bicameral dahil aniya dalawang tao lang daw ang nasusunod sa budget, na ayon kay VP Sara ay sina Appropriations Chair Zaldy Co at House Speaker Martin Romualdez.

Matatandaang binawasan umano ng House Appropriations Committee ang 2025 budget ng OVP, na mula ₱2.037 bilyon patungong ₱733.198 milyon.

BASAHIN: ₱2.036B proposed budget ng OVP sa 2025, balak bawasan ng ₱1.29B!

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Kakaltasing ₱1.29B pondo ng OVP, saan nga ba ilalaan?

Samantala, nanindigan si Duterte na hindi siya magre-resign sa kaniyang puwesto matapos ang mga pahayag umano ng mga mambabatas na mag-resign na lamang siya kung hindi na umano siya interesado sa responsibilidad ng isang bise presidente.

BASAHIN: Para sa 32 milyon na bumoto sa kaniya: VP Sara, nanindigang hindi siya magre-resign