Tila marami ang naantig sa kuwento ni dating University of the East (UE) basketball player at aktor na si Raul Dillo matapos kumalat sa social media ang ngayoây pagtitinda niya ng longganisa sa kahabaan ng isang highway sa Cavite.Â
Sa pamamagitan ng araw-araw Facebook post, ipinapakita ni Raul ang kasalukuyan niyang hanapbuhay kung saan makikita ang pagtitinda niya ng longganisa ilang kalsada sa Cavite.Â
âSabi nila nagtitinda na lang ako ng longganisa, totoo naman po nagtitinda po tayo ng longganisa,â saad ni Raul sa isa namang Facebook Reels noong Setyembre 22, 2024.Â
âSiyempre may pamilya ako at may dalawa akong anak na nag-aaral na nasa grade school pa lang, ayokong magutom ang pamilya ko.â
Mapapanood sa mga post ni Raul na tila kalimitan niyang inilalako ang mga smoked garlic longganisa na kaniyang tinda, na siya ring dinadayo ng ilang fans na nakakakilala pa sa kaniya.
Dumagsa naman sa comment section ang paghanga at suporta mula sa netizens.
âTama bro sipag lang.â
âLahat gagawin po bilang magulang para sa mga anak.â
âTama po Ingat po kayo kapatid.â
âGod bless Sir. I am sure your kids are proud to have a Father like you.ââI salute you po tatay!â
âWalang masama sa ginagawa mo para sa pamilya, God bless.â
Matatandaang umusbong ang karera ni Raul noong dekada â90 matapos makilala sa pagganap sa mga katatakutan at ilang comedy films.Â
Ilan sa mga tanyag na pelikulang kaniyang naging proyekto ay ang âTong tatlong tatay kong pakitong-kitongâ kasama sina Redford White, Babalu at Bonel Balingit. Lumabas din siya sa âNieves: The Engkanto Slayerâ at âAla Eh con Bisoy, Hale Hale Hoy.â
Sa naging panayam niya sa One News PH, sinabi umano nito na hindi nagtagal ang karera niya sa basketball sa kabila ng height na meron siya, matapos umano siyang ma-injury noon na naging dahilan ng pagbagal niya sa loob ng court.
Huling napanood sa national TV si Raul sa teleseryeng âFPJâs Batang Quiapoâ kung saan gumanap siya bilang armadong tauhan ni Lorna Tolentino matapos niyang manawagan noon kay Coco Martin na siyang direktor ng nasabing teleserye.Â