November 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

Cayetano, Zubiri nagkainitan sa Senado dahil sa umano'y isang resolusyon

Cayetano, Zubiri nagkainitan sa Senado dahil sa umano'y isang resolusyon

Kalat ngayon sa social media ang ilang mga video kung saan mapapanood ang umano'y sagutan nina Senator Alan Peter Cayetano at dating Senate President Juan Miguel Zubiri. 

Sa mga kumakalat na video, mapapanood ang kanilang sagutan ilang sandali bago umano i-adjourn ng Senado ang plenaryo nitong Martes ng gabi, Setyembre 24. 

Kinuwestiyon umano ni Zubiri ang pagtalakay sa Senate Concurrent Resolution No. 23 na inihain ni Cayetano na kaugnay umano sa disenfranchisement ng boto ng 10 Enlisted Men's Barrios (EMBO) barangay sa Taguig City at Pateros. Aniya, hindi raw parte ng agenda ang naturang resolusyon para sa plenary session nitong Martes.

"Ang question ko lang diyan is with due respect to him I know it's a local issue, I know it's a local issue, it's important to you guys, and I don't want to disenfranchise anyone. It just came out in the air... This is not a simple resolution... Ang akin lang sana explain sana sa amin ano itong pag-uusapan natin. 'Yun lang. I asked a colleague who represented before these 10 EMBO barangays. I asked her. She doesn't also know what's going on. Due courtesy lang ba. Show some respect. 'Yun lang [ang] akin," ani Zubiri. 

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

Bagama't naiintindihan daw ni Zubiri ang concern hinggil sa umano'y disenfranchisement ng boto mula sa mga EMBO barangay, nais niya umano talakayin ito sa sesyon sa Miyerkules. Humingi din ng paumanhin ang senador hinggil sa pagtaas niya ng boses. 

"If I raised my voice it's because I was... it didn’t have to go that way and I apologize if I raised my voice. If this will help you, maybe we pass this, we can take it up tomorrow. Ang aking lang diyan is nabigla ako at biglang may concurrent resolution about these barangays wala naman sa agenda today. So my appeal to the good gentleman is give us time to at least explain to us what it is all about," dagdag pa niya. "No offense meant to my dear colleague I know it means a lot to him, I'm not here to stall and I'm not here to disenfranchise anyone."

Gayunman, humingi rin ng paumanhin si Cayetano at nilinaw ang "urgency" ng resolusyon. 

"I don't want to take the risk. Nakita niyo naman yung mga ulan ngayon eh kung bumagyo bukas at mag-adjourn tayo? So walang taga-EMBO na pwedeng tumakbong congressman, walang pwedeng bumoto. If he apologizes for raising his voice, me too," saad ng senador.

"Tinuturing ko ring kaibigan kahit may heated siguro naman 1998 ko pa kasama si Senate President Zubiri, siguro we're entitled one heated argument which is tonight kasi 1998 ko pa naman siya madalas magkaiba kami ng stand pero 'di naman kami nagkakainitan. So if you're apologizing for raising I also apologize for raising my voice," dagdag pa niya.