Trending ngayon sa X (dating Twitter) ang pangalan ng GMA trivia master at TV host na si Kuya Kim Atienza dahil sa kaniyang anak na si Emmanuelle “Emman” Atienza.
Sa tweet ng mga netizen ay mababasa ang kanilang mga sentimyento at puna sa anak niyang si Emman. Narito ang ilan sa kanilang hanash:
"Kung anak ko 'to tatampalin ko ang bibig eh. Kuya Kim, ano na?"
"just found out she's kuya kim (atienza)'s daughter. while she is out here paying 100k and being insensitive, her sister eliana is studying abroad and fighting for the children in gaza. think about that"
"playing the 'i’m just a teenager' victim card…… I expected more humility and empathy considering she’s your daughter @kuyakim_atienza"
"Kaya siguro lumipat si kuya kim ng gma para may pang-100k meal si emman"
"i heard she is kuya kims daughter and made me question gaano ba kalaki sahod ni kuya kim and assets like billionaire level ba and found out he used to be a politician for more than a decade and anak ni lito atienza "
"i think your parents should ground you baka uso sa household mo beh kuya kim pls!!!! delicadeza!"
"she really doesn’t get it OPEN THE ZOOS. please lang, kuya kim. lmao"
Kasama kasi umano si Emman sa TikTok video na lumutang kung saan ginawa nila ng mga kaibigan nila ang “Guess the biil challenge” sa isang Japanese restaurant.
Sa nasabing challenge, kailangang hulaan kung magkano ang aabuting bill ng kanilang mga kinain. Ang sinomang makahula nang mas malapit sa aktuwal na bill ay ang siyang magbabayad.
Sa tantiya ni Emman, ₱120,000 ang lahat ng kanilang kinain. Para naman kay Miss World 2024 Krishnah Gravidez, ₱130,000—na sa huli ng video ay isiniwalat umano na pinakamalapit sa aktuwal bill. Kaya siya ang nagbayad.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, burado na at hindi na matatagpuan pa sa TikTok account ni Emman ang nasabing video.
Gayunman, sa pamamagitan ng video statement na inilabas ni Emman nitong Martes, Setyembre 24, ipinaliwanag niya na ang challenge ay isa umanong joke.
“The video was a joke. I thought it was obvious and the bill was an outrageously high number. But apparently, it’s believable that I can pay that much for dinner,” aniya.
Dagdag pa niya: “It’s my friend’s birthday and her agency treated us to a dinner.”
Samantala, ayon naman sa paliwanag ni Krishnah sa pamamagitan ng kaniyang Instagram Broadcast Channel, sinabi niyang “satire” umano ang nasabing video.