November 26, 2024

Home BALITA

Unibersidad sa Calamba, naglabas ng pahayag sa isyu tungkol sa thesis paper

Unibersidad sa Calamba, naglabas ng pahayag sa isyu tungkol sa thesis paper
Photo courtesy: University of Perpetual Help-Calamba Official (FB)/Kristina Loriz Esguerra (FB)

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng University of Perpetual Help Calamba, Laguna branch matapos mag-viral ang Facebook rant post ng kanilang alumni tungkol sa thesis paper nila na nakaisip ng inobasyong "rice dryer."

Ayon sa inilabas nilang opisyal na pahayag na mababasa sa University of Perpetual Help - Calamba Official, masusi na raw silang nagsasagawa ng imbestigasyon patungkol sa isyu ng pagpapagamit daw sa ibang tao ng "best thesis paper" patungkol sa Palay Desiccator, na orihinal daw na konsepto ng mga nagreklamong dating mag-aaral.

Anila, "The University of Perpetual Help System DALTA - Calamba has been aware of the concerns raised regarding research innovation on the Palay Desiccator."

"We take these matters seriously and are committed to ensuring that all parties receive a fair and just resolution. A comprehensive investigation is underway to examine information and details, including but not limited to issues of citation, permission, and innovation."

National

Amihan, ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Nangako pa ang pamunuan na magsasagawa sila ng "appropriate action" batay sa kalalabasan ng kanilang imbestigasyon.

"We ask for your patience and understanding as we work to address the situation professionally and respectfully, ensuring that our values of academic integrity and collaboration are upheld," anila pa.

... - University of Perpetual Help - Calamba Official | Facebook

Nag-viral ang Facebook post ni Kristina Loriz Esguerra na naka-tag sa kaniyang group mates na sina Miguel Dela Rama at Eloisa Camille Parado.

Naka-graduate na raw sila at nanahimik na lang sana subalit muling nanariwa raw sa kanilang puso ang sakit sa nangyari, na sa ibang tao napunta ang kredito para sa kanilang pinaghirapang thesis paper, at iba pang isyung nabanggit nila.

Nag-react din ang grupo nang mapanood sa balita ang tungkol sa pagkaka-imbento umano ng ilang mga mag-aaral mula sa nabanggit na pamantasan ng dual powered Palay Dessicator. 

Narito ang kanilang buong post:

"Won't mention names pero lahat to sa University of Perpetual Help - Calamba Official lang nangyari.

Initially, si Eloisa Camille Molina Parado nakaisip ng rice dryer. Tulong tulong kaming tatlo para mabuo yan simula sa title, shape ng dryer, design, paper, and all. Sobrang saya namin nung chinat pa ko. Nakakapagtaka lang e binawi before the graduation yung BEST THESIS namin? Bakit? Kasi may nauna daw samin na group makapagpasa ng thesis na nakabook bind na kaya mas mataas grade nila. WOW! Paunahan pala ang basis o dahil anak ng prof at wala na mai-dahilan?"

"Nanahimik ang group namin kasi gusto naming makagraduate! At sure kaming gagawa sila ng dahilan para di kami makamarcha if ever nilaban namin."

"Irregular students kami, si Eloisa shiftee, si Miguel transferee, ako naman returnee, kaya sobrang saya namin na merong isa kaming naachieve before matapos ang college. Grabe yung galit, disappointment namin, at iyak namin dahil dito. Sinabi na namin sa parents namin tas ganon lang ginawa sa'min."

"Tapos eto, wala man lang heads up na ipapagamit thesis namin sa next batch, at dahil hindi namin sya pinapatent, wala daw plagriarism sabi ng UPHSD-Las Piñas. Wao?!"

"Kung hindi pa binalita ng OnePH, wala man lang kaming kaalam alam na yung concept ng thesis namin, pinakuha nyo sa iba para sabihin na sila nakaisip nyan."

"Where's the academic integrity here?"

"Pano tayo maging proud sa quality of education if yung students hindi marunong magisip ng sarili nilang innovation?

Tinanggalan nyo kami ng best thesis award tapos yung nag-add ang binigyan nyo ng award."

"We deserve the right recognition for our innovation but we feel like we're overshadowed by these students na hindi man lang nagshow ng respect by stating the fact na hindi sila nakaisip nyan, at hindi man lang nagsabi samin. Yes, same school lang yan ah."

"At talagang magtataka ka na bakit yung mga panelists namin hindi alam na hindi na kami yung naging best in thesis last year??? Last week lang nila nalaman. Kasi alam nila dapat kami yun, kaso wala kaming connection sa school e

Mananahimik na sana kami since we all graduated, and masaya na kami sa life namin. But yung wound pala nung ginawa nyo samin, tas dinagdagan nyo pa, masakit pa pala."

"And everyone should know about this," anila pa.

Breaking our silence after a year. Won't... - Kristina Loriz Esguerra | Facebook