November 25, 2024

Home BALITA National

Tony Yang, hindi raw 'very close' kay ex-Pres. Duterte

Tony Yang, hindi raw 'very close' kay ex-Pres. Duterte
MULA SA KALIWA: Tony Yang at dating Pangulong Rodrigo Duterte (Photo: Senate/YouTube screengrab; MB file photo)

Iginiit ni Tony Yang, kapatid ng dating economic adviser ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte  na si Michael Yang, na hindi sila “very close” ng dating pangulo.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Martes, Setyembre 24, tinanong ni committee chair Senador Risa Hontiveros Yang kung malapit din ba siya Duterte.

“Mukhang malapit po kayo sa maraming matataas na opisyal ng gobyerno. Ang kapatid ninyo, naging economic adviser ni dating Presidente Duterte. Malapit din ba kayo kay dating presidente?” pagkuwestiyon ni Hontiveros.

“I am not very close with the former president Duterte and I don’t have contact with him,” sagot naman ni Yang sa pamamagitan ng interpreter.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

“Not very close, only a little close,” saad naman ni Hontiveros saka muling tinanong si Yang kung paano niya nakilala ang dating pangulo.

Ayon kay Yang, nakilala niya si Duterte nang magtungo ito sa Cagayan at nagkaroon daw sila ng meeting kasama ang Chinese business groups.

“There was only one time, when former president Duterte went to Cagayan. We had a meeting with the Chinese business groups, and that’s why we were able to meet him, and we had a photo with him,” ani Yang.

“And of course, ‘yung younger brother ninyo, ‘yung diko ninyo, si Michael Young, was the special economic adviser. Imposible naman na hindi ipakikilala sa inyo, sa kuya. Wala namang respeto kung ganon, kung hindi ipakilala kayo kay dating presidente,” saad naman ni Hontiveros.

Nasasangkot si Yang sa ilang mga kaso tulad ng umano’y mga iligal na aktibidad ng Philippine Offshore and Gaming Operations (POGOs) sa bansa.

Kaugnay nito, kamakailan lamang ay isiniwalat ni Hontiveros na wanted umano si Yang sa China dahil sa “financial scamming.”