November 25, 2024

Home BALITA National

Sarah Elago, first nominee ng Gabriela sa 2025 elections

Sarah Elago, first nominee ng Gabriela sa 2025 elections
Sarah Elago (MB file photo)

Ibinahagi ng Gabriela Women’s Party-list na si dating Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago ang kanilang unang nominee para sa 2025 national elections.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Martes, Setyembre 24, ay inilahad ng Gabriela ang kanilang nominees kung saan si Elago ang nangunguna rito.

Si Elago ay dating kongresistang kinatawan ng Kabataan at ngayo’y nagsisilbi bilang policy consultant at Party Vice Chairperson ng Gabriela.

Idineklara naman bilang second nominee ng Gabriela si Amihan Secretary-General at Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo, at third nominee si Davao-based doctor Jean Lindo.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Samantala, matatandaang nag-anunsyo kamakailan si Gabriela Rep. Arlene Brosas ng kaniyang kandidatura bilang senador sa 2025. Matatapos na ang termino ni Brosas sa susunod na taon bilang kinatawan ng partylist.

“Kamtin ang mas malawak na pagkakaisa at tagumpay! Babae, bata, bayan sa Kongreso at Senado, TULOY ANG LABAN!” pahayag ng Gabriela.

Kilala ang Gabriela Women’s Party-list bilang oposisyong kabilang sa Makabayan bloc.