November 25, 2024

Home BALITA National

OVP, pinabulaanang nasa beach si VP Sara habang ginaganap House plenary hearing

OVP, pinabulaanang nasa beach si VP Sara habang ginaganap House plenary hearing
(file photo)

Mariing kinondena ng Office of the Vice President (OVP) ang mga ulat na nagsasabing nasa beach umano si Vice President Sara Duterte habang dine-deliberate ng House plenary ang budget ng kanilang opisina nitong Lunes, Setyembre 23.

Sa isang pahayag nitong Lunes ng gabi, iginiit ng OVP na walang katotohanan at isang paninira lamang umano sa reputasyon ni Duterte ang kumakalat na mga ulat na nagpunta siya sa beach.

“The public is cautioned about the attempts of some media outlets to once again besmirch the reputation of the Vice President by publishing stories that she is on the beach while the House of Representatives is conducting the plenary deliberations on the budget,” anang OVP.

Ayon pa sa opisina, nagtungo umano si Duterte nitong Lunes sa Vinzons at Daet, Camarines Norte at Legazpi, Albay para makipag-usap sa mga residente tungkol sa kasalukuyang mga nangyayari sa bansa.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

“The Vice President was on the road today talking to the people about the current events in our country. She made stops in Vinzons and Daet, Camarines Norte and Legazpi, Albay. It is quite easy to confirm her activities through social media posts of the residents in these areas,” saad ng OVP.

“The OVP condemns fake news and media releases for clickbaits and profit,” dagdag pa nito.

Inilabas ng OVP ang naturang pahayag matapos iulat ng isang online news website na nagpunta umano si Duterte sa Calaguas Island sa Camarines Norte nitong Lunes matapos niyang bumisita kay dating Vice President Leni Robredo noong nakaraang linggo.

MAKI-BALITA: OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Nakalakip din sa ulat ang isang larawan ng bise presidente kasama ang anim na iba pa sa beach.

Hindi dumalo si Duterte sa pagdinig ng House plenary sa budget proposal ng OVP para sa 2025 nitong Lunes, kung saan sinabi niya kay House budget sponsor at Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Adiong sa pamamagitan ng isang ulat na nakasalalay na raw sa House of Representatives ang deliberasyon ng kanilang budget.

Matatandaang inirekomenda ng House Committee on Appropriations noong Setyembre 12 na bigyan ng ₱733.198 milyong budget ang opisina ni Vice President Sara Duterte sa 2025, mahigit ₱1.29 bilyon ang kaltas mula sa ₱2.037 bilyong panukalang budget ng opisina.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Kakaltasing ₱1.29B pondo ng OVP, saan nga ba ilalaan?