Bukas na sa publiko ang ipinagmamalaking "Valenzuela Boardwalk" ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City, ayon sa kanilang post sa opisyal na Facebook page noong Setyembre 21.
"Clear your mind. Go for a run, ride a bike, or take a walk in The Valenzuela Boardwalk!" mababasa sa kanilang post.
"Introducing the newest recreational space in Valenzuela City! A 1.3 kilometer flood wall and linear park spanning Barangays Coloong, Tagalag, and Wawang Pulo, the Valenzuela Boardwalk will be your new tranquil oasis for whenever you need a breather."
"The Valenzuela Boardwalk is open daily from 5:00 AM to 10:00 PM. See you there!" dagdag pa.
Iginiit din ng lokal na pamahalaan na walang bayad ang pagtungo at pamamasyal doon, at bisikleta lamang ang papayagan at hindi maaari ang motorsiklo.
Ibinida rin ng mayor ng Valenzuela City na si Mayor Wes Gatchalian.
"Bukas na ang pinakabagong flood wall at recreational space sa lungsod — ang 1.3 kilometrong Valenzuela Boardwalk!" anang Gatchalian.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Sana ipag bawal ang motor at bike para makapag walk trip ng maayos mga matatanda at bata at pwedi rin mag Jogging."
"Salute to all of you Gatchalian brothers!!! Thanks so much for your time and effort to make Valenzuela City more beautiful places where people enjoyed and relaxed. Keep up the great work and keep doing your best!! God bless you more..."
"Been there...masarap maglakad, tambay at pahangin jan...sana lng maging responsable din mga tao at i-maintain ang kalinisan..maglagay nga po pala sana ng mga cr para sa mga biglang tinawag ni mother earth sa sobrang haba po kc ng boardwalk dpat meron tlg niyan. Suggestion lbg nman po..."
"Sana lang may mga rumorondang guards para iwas krimen, masyadong mahaba and malawak din kasi."
"Kudos, Mayor Wes!"
Sa opening ceremony nito ay nagkaroon ng "Valenzuela Marathon" na dinaluhan ng halos 200 senior citizens. Nagkaroon din ng free go-karting activity sa mga batang edad 4 hanggang 7.