Naglabas ng pahayag ang lead vocalist ng rock band na “Journey” na si Arnel Pineda matapos niyang makatanggap ng batikos mula sa mga netizen.
Sa Facebook post ni Pineda kamakailan, sinabi niyang aware daw siya sa kritisismong ibinabato sa kaniya dahil sa tila hirap niyang pag-abot ng tamang nota habang kinakanta ang "Don't Stop Believin’” sa Rock in Rio kamakailan.
“No one more than me in this world feels so devastated about this. It's really amazing how 1 thousand right things you have done will be forgotten just cause of THIS..and of all the place , it is in Rock In Rio,” saad ni Arnel.
Dagdag pa niya: “Mentally and emotionally, I’ve suffered already, and I’m still sufferring..but I’ll be okay.”
Kaya naman gumawa ng kasunduan si Arnel para sa mga hindi siya gusto lalo na noong simula pa lang.
“I am offering you a chance now [...] to simply text GO or STAY right here and if GO reaches 1million.
I’m stepping out for good. Are you game folks?” aniya.
Tila marami namang netizen ang naghayag ng suporta para kay Arnel. Narito ang kanilang mga boto na mababasa sa comment section ng post:
"STAY Arnel!!, You’re a fantastic vocalist and just ignore the haters. You’ve got Steve Perry’s blessing so that’s what actually matters I’d say!"
"Absolutely stay! You live stage performance is the best that they’ve had."
"STAY!!! You ROCK Arnel "
"Stay. I have watched you slay it many times"
"Stay! You are great!!"
"U hve to stay...nver mind the bashers..tke care of ur voice...always....kabayan..Godbless"
"STAY!! Or, if the band is making things difficult for you, start a new solo career. Trust me, those guys need you more than you need them. You got this!"
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 6.7k reactions at 6.7k comments ang nasabing post ni Arnel.