November 23, 2024

Home BALITA National

Alice Guo, nangakong pangangalanan sino 'most guilty' sa ilegal na POGO

Alice Guo, nangakong pangangalanan sino 'most guilty' sa ilegal na POGO
(Photo: Arnold Quizol/MB)

“Hindi po ako mastermind, masasabi ko pong isa akong victim.”

Nangako si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nitong Martes, Setyembre 24, na sasabihin niya kung sino ang “most guilty” sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa executive session ng mga senador.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Martes, Setyembre 24, tinanong ni Senador JV Ejercito kung sa tingin ni Guo kung siya ba ang mastermind ng iligal na POGO.

“Your honor, hindi po ako mastermind, masasabi ko pong isa akong victim,” sagot ni Guo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“So ikaw ay biktima o kaya pawn. Ikaw ay ginagamit ng isang international group o crime syndicate?” tanong ni Ejercito.

“Your honor, hindi naman po sa ginamit. If ever po, kung meron man po akong naitulong, helpful po akong tao, kung meron man po, ‘yun lang po. Pero sa mga activities po na ginawa o sa mga allegations po, wala po akong kinalaman,” saad ni Guo.

Kaugnay nito, tinanong ni Ejercito si Guo kung sa tingin niya ay mayroon pa bang mas guilty kaysa sa kaniya sa POGO.

“Tingin n’yo sa ganitong operasyon, kayo ba ay guilty or kayo ba most guilty?” tanong ni Ejercito.

Sinagot naman ni Guo na hindi umano siya “guilty.”

“So hindi kayo most guilty, meron pang mas guilty. Kumbaga may mastermind pa talaga?” pag-usisa muli ni Ejercito.

Ayon naman kay Guo, sa tagal daw ng imbestigasyon ay tingin daw niya ay alam na ng komite, lalo na ang chairperson na si Senador Risa Hontiveros kung sino talaga ang nasa likod ng kinasasangkutang iligal na operasyon ng POGO.

“Your honor, I think sa tagal po ng investigation, alam na rin po ng komite, especially chaired by our madam chairman, who’s really at the back of everything,” ani Guo.

Nangako rin ang pinatalsik na alkalde na pangangalanan niya ang mastermind ng POGO sa executive session na isasagawa rin daw nitong Martes.