December 23, 2024

Home FEATURES Trending

Netizens, pinuna TikTok video ng mga kapatid ni Carlos Yulo: 'Pambabastos sa PWD!'

Netizens, pinuna TikTok video ng mga kapatid ni Carlos Yulo: 'Pambabastos sa PWD!'
Photo courtesy: screenshot from Bortang Barbie Girl (X)

Tila hindi nagustuhan ng netizens ang isang TikTok video ng kapatid ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na sina Elaiza at Karl Yulo dahil sa umano’y pambabastos sa Persons With Disabilities (PWD).

Ang nasabing TikTok video ay mula sa kaibigan umano nina Karl na si Josimhae na siyang uploader ng naturang content. Laman ng ngayo’y buradong post, ang pagkasa umano nina Karl at Elaiza kasama si Josimhae sa “zombie trend,” na umuuso sa naturang platform.

Maraming netizens ang tila hindi nagustuhan ang version ng mga ito at sinabing hindi zombie ang ginaya nila kundi, PWDs. 

“These are dysfunctional kids from a dysfunctional family.”

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

“Giving the benefit of the doubt baka zombie-zombie lang, pero yung isa parang iba talaga.”

“Abnormal talaga kapatid ni Yulo, ‘di biro ganyang sakit.”

“Mga kinulang na nga sa height, kinulang rin sa utak.”

“This is so low…tsk tsk tsk”

“Parang mga abnoy. Hindi sila nakakatuwa.”

Samantala, ilang netizens din naman ang nagtanggol sa magkapatid at sinabing wala naman umanong mali sa ginawa ng magkapatid at tila malinaw umanong zombie ang ginaya ng mga ito.

“They more like they’re imitating zombies.”

“Zombie po hindi PWDs. ‘Wag niyo sila husgahan agad. Aware naman siguro sila diba?”

“Zombie ‘yan! Hindi PWD.”

“Daming gumagawa niyan, sa kanila lang kayo nagalit. The nerve.”

“Zombie kase sa mga movie ginagawa nila.”

“Una kong naisip Train to Busan.”

-Kate Garcia