Nauwi umano sa rambol ng dalawang deboto ang prusisyon ng Divino Rostro na kilala rin bilang “Holy Face of Jesus” sa Naga City noong Linggo Setyembre 22, 2024
Ayon sa ulat ng GMA News, nagkatulakan umano ang dalawang deboto sa kasagsagan ng prusisyon na lalo pang lumamala matapos umanong awatin ng ilan pang mga deboto.
Dagdag pa sa nasabing ulat, humupa rin umano ang tensyon matapos ang ilang minuto.
Matatandaang ang prusisyon ng nasabing imahe ay sabay ng tanyag na fluvial procession ng Our Lady of Peñafrancia na ipinagdiriwang sa ikatlong Sabado ng buwan ng Setyembre.
Kasabay ng kapistahan ng “Ina” ang paggunita ng mga deboto sa ika-100 nitong canonical coronation.
Magkasama sa pagoda ang Divino Rostro at Our Lady of Peñafrancia para sa fluvial procession na binaybay ang Naga River.
-Kate Garcia