November 25, 2024

Home BALITA National

Mas malamig na panahon at mas mahabang gabi, dapat nang asahan

Mas malamig na panahon at mas mahabang gabi, dapat nang asahan
Photo courtesy: Pexels

Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical  and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpasok ng autumnal equinox mula Setyembre 22, 2024, kung saan maaari na umanong maranasan ang magkasing-haba na ang oras ng umaga at gabi.

Ang equinox ay salting Latin nangangahulugan sa wikang ingles na “equal.” 

Samantala, nilinaw naman ng PAGASA na bagama’t magkasing-haba na ang oras ng umaga at gabi na parehong tatagal ng 12 oras, ito ay nakadepende umano sa lokasyon ng bansa. 

Sa Pilipinas, sa tuwing sasapit ang autumn equinox, mas nagiging mahaba ang oras ng gabi at nagiging maikli naman ang umaga. Ito rin umano ang nagbibigay ng senyales sa unti-unting paglamig ng simoy na hangin sa buong bansa. 

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ayon sa PAGASA, sa pagpasok ng autumn equinox, karaniwan umanong humihina ang southeast monsoon (Habagat) habang lumalakas ang bugso ng northeast monsoon (Amihan).  Nilinaw din ng ahensya na hindi ito nangangahulugan ng kawalan ng bagyo sa mga susunod na buwan. 

Inaasahang idedeklara ng ahensya ang taglamig hanggang sa matapos ang buwan ng Setyembre o di naman kaya ay hanggang sa pagpasok ng buwan ng Oktubre. 

Matatandaang noong nakaraang taon, Oktubre 20, 2023 idineklara ng PAGASA ang opisyal na amihan season at nagtapos hanggang sa buwan ng Marso, 2024.

Kate Garcia