Nag-isyu ang Pasig Regional Trial Court (RTC) ng order para i-hold umano ang paglipat kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory.
Ang naturang order nitong Lunes, Setyembre 23, ay kasunod daw ng urgent motion ng kampo ni Guo na manatili siya sa Philippine National Police (PNP) custodial center sa Camp Crame para umano sa kaniyang seguridad.
Matatandaang nito lamang ding Lunes ng umaga nang ilipat si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory mula sa PNP custodial center sa Camp Crame.
MAKI-BALITA: Alice Guo, nailipat na sa Pasig City Jail
Ito ay kaugnay ng utos ng Pasig RTC dahil umano sa kinahaharap ng pinatalsik na alkalde na kaso ng qualified human trafficking.
MAKI-BALITA: Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking
Samantala, nito lamang ding Lunes nang lumabas daw sa medical examination ni Guo na nakitaan siya ng posibleng impeksyon sa kaliwang baga.
Dahil dito, inihiwalay muna umano ang pinatalsik na alkalde sa selda kasama ang iba pang inmates na may tuberculosis.
MAKI-BALITA: 'May suspected lung infection?' PNP, ibinahagi X-ray result ni Alice Guo