November 22, 2024

Home SPORTS

Ina ni EJ Obiena, nagrorosaryo tuwing tumatalon ang anak: 'Gusto ko safe siya'

Ina ni EJ Obiena, nagrorosaryo tuwing tumatalon ang anak: 'Gusto ko safe siya'
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT), EJ Obiena (IG)

Ibinahagi ng ina ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na si Jeanette Obiena kung paano niya sinusuportahan ang anak sa kada laban nito.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Lunes, Setyembre 23, sinabi ni Jeanette na nagrorosaryo raw siya tuwing tumatalon si EJ.

“Sa totoo lang, everytime na tumatalon ‘yan [si EJ], siguro natatapos ko ‘yong rosaryo ng mga apat o limang beses, everytime,” saad ni Jeanette. 

“Kasi gusto kong safe siya at wala siyang mararamdaman. Kasi dadalhin niya ‘yan after, e,” wika niya. 

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dagdag pa niya: “Life of an athlete is just part of his life. There’s still life after an athlete. ‘Yon po ‘yong concern din namin bilang magulang.” 

Matatandaang sa isang episode kamakailan ng “Sa Totoo Lang” na mapapanood sa YouTube channel ng One PH ay sinabi ni Jeanette na lagi lang daw silang nasa tabi ni EJ sa mga gagawin pa nito matapos masungkit ang ikaapat na puwesto sa ginanap na pole vault finals sa Paris Olympics 2024.

MAKI-BALITA: Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'