January 03, 2025

Home BALITA

Doc Willie Ong, nababagalan sa healthcare ng Pilipinas

Doc Willie Ong, nababagalan sa healthcare ng Pilipinas
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Public Affairs (YT)

Dahil sa kabagalan ng healthcare sa Pilipinas, sinabi ni Doc Willie Ong na siguro raw ay pumanaw na umano siya. 

Sa latest episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo, Setyembre 22, ikinuwento ni Ong ang karanasan niya sa pagsusuri para sa kaniyang sakit.

“Dapat mamamatay na ako sa Philippines. I was sure I would be dead in 3 to 4 days kasi ang bagal ng healthcare natin. Grabe!” lahad ni Ong.

“‘Yong biopsy result, I have to wait 1 to 2 weeks. Dito [sa Singapore] biopsy nila, half day nandiyan na. [...] I need a PET [positron emission tomography] scan. Ilan bang lugar sa atin ang may PET scan? Dito in one hour basado na,” dugtong pa niya.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Kaya naman nasurpresa raw si Ong nang bisitahin siya ng ilang politiko sa Singapore. Hindi raw niya naiwasang maitanong na “if politicians are coming here, hindi ba kayo naaawa sa kababayan natin?”

“Mayaman ka o mahirap, trapped ka in the Philippines,” aniya.

Matatandaang binisita kamakailan ni dating Manila Mayos Isko Moreno si Ong sa Singapore. 

MAKI-BALITA: Isko Moreno, binisita si Doc Willie sa Singapore

Isiniwalat ni Ong noong Setyembre 14 na mayroon umano siyang Sarcoma cancer at posibleng ang dahilan umano nito ay stress dulot ng mga nababasang komento sa Facebook.

MAKI-BALITA: Doc Willie, nakuha raw ang cancer dahil sa stress sa comments ng bashers