November 22, 2024

Home SPORTS

Dahil sa free throw! UE nailusot ang panalo kontra DLSU

Dahil sa free throw! UE nailusot ang panalo kontra DLSU
Photo courtesy: UAAP Media

Nailusot ng University of the East Red Warriors ang dikit na laban nila kontra De La Salle University Green Archers matapos kumapit umano sa free throw ng dying seconds sa fourth quarter upang makaalpas sa defending champion. 

Tuluyang naiuwi ng UE ang ikalawa nilang panalo matapos gasgasan ang record ng La Salle at tapusin ang kanilang laban, 75-71 noong Linggo, Setyembre 22, 2024 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.Rumesbak pa ang power trio ng Green Archers na sina JC Macalalag, Mike Phillips at Kevin Quiambao sa fourth quarter dahilan upang mabura umano nila ng 59-71 deficit sa huling 2:59 minuto ng laro. Nagawa nilang dumikit sa kalamangan ng UE sa 71-73 hanggang sa 28.4 segundo. 

Samantala, sa kasagsagan ng tensyon, na-foul ng UE ang La Salle, na naging dahilan ng free throw ni Quiambao sa huling 17.3 segundo ngunit bigo niyang maipasok ito upang maitabla ang iskor sa 73-all at maitulak pa sana sa isa pang extended 5-minute match-up ang laro.

Tuluyan umarangkada ang UE sa huling 4.4 segundo matapos naman maipasok ni John Abete ng UE ang huling dalawang free throw niya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa isang post-game interview, nagbigay naman ng pahayag si Quiambao tungkol sa animo’y “off game” kontra UE.

“Buong game sobrang malas talaga. I think one of the things na naisip ko is i-engage ko yung crowd para mahype ako, pero sablay talaga eh, wala talaga. Sablay is sablay. Pa-praktisin ko agad, punta ako ng gym after this,” aniya. 

Nanindigan din naman si DLSU Head Coach Topex Robinson na nananatili pa ring buo ang tiwala nila sa kanilang reigning Most Valuable Player (MVP).Saad niya, “Obviously, you don't wanna lose games, but we want to learn from those. It's a wake-up call for everybody. Ito na yung sinasabi ko na KQ will win games for us, and KQ will lose games for us, but it's not gonna change the dynamics — he's still gonna be our guy."

Sa pagkatalo ng La Salle sa UE, bumaba sa ikalawang puwesto ang team standing nito, dahilan upang masolo ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons ang no. 1 spot, habang umakyat naman sa ikalimang puwesto ang UE. 

Kate Garcia