December 23, 2024

Home BALITA Internasyonal

Pagkatay sa 200 elepante, solusyon sa lumalalang food crisis sa South Africa

Pagkatay sa 200 elepante, solusyon sa lumalalang food crisis sa South Africa
Photo courtesy: Pexels

Nahaharap sa matinding epekto ng El Niño ang tinatayang 68 milyong residente sa South Africa dahilan ng tuluyang pagkasira ng mga pananim sa buong rehiyon.

Ito ang pinakamalalang epekto ng El Niño na sinapit ng South Africa matapos ang matinding tagtuyot noong 1987.

Bunsod nito, kinumpirma ng Zimbabwe wildlife authorities na nakatada nilang katayin ang 200 elepante upang matustusan ang pangangailangan ng ilang komunidad sa Zimbabwe na nakakaranas na umano ng taggutom.

“We can confirm that we are planning to cull about 200 elephants across the country. We are working on modalities on how we are going to do it," aniTinashe Farawo, tagapagsalita ng Zimbabwe Parks and Wildlife Authority (Zimparks).

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Matatandaang nakapagkatay na rin ang Namibia ng 83 elepante noong nakaraang buwan upang gawin pa ring panustos na pagkain sa iba’t ibang komunidad.

Samantala, ito rin ang unang pagkakataong sapilitang kakatayin ang mga elepante sa Zimbabwe mula noong 1988.

Ang Zimbabwe at Namibia ay kabilang sa mga bansang nagsisilbing tahanan ng tinatayang 200,000 mga elepante tulad sa Zambia, Botswana at Angola.

Ayon pa kay Farawo, ang pagkitil sa buhay ng mga elepante ay isa rin umanong tugon nila upang maiwasan ang “decongested” population nito sa Zimbabwe kung saan tinatayang 55,000 lamang ang kaya nilang masustina ngunit umabot na umano sa 84,000 ang mga elepante rito.

“It's an effort to decongest the parks in the face of drought. The numbers are just a drop in the ocean because we are talking of 200 (elephants) and we are sitting on plus 84,000, which is big.”

Kate Garcia