November 22, 2024

Home SPORTS

Milo basketball program muling magbabalik matapos ang 4 na taon!

Milo basketball program muling magbabalik matapos ang 4 na taon!
Photo courtesy: Milo Philippines

Panibagong Ravena brothers? Kai Sotto? At Jeron Teng?

Matapos ang apat na taong hiatus, muling magbubukas ang Small Basketeers Philippines (SBP)-Passerelle ng Milo Best Center sa darating na Oktubre 12, 2024.

Sa ika-35 edisyon nito, ang programang ito na siyang pinakamahabang basketball sports clinic sa bansa, ay naglalayon umanong makatuklas ng mas marami pang mga batang may talento sa basketball sa pamamagitan ng kanilang invitational training camp na gaganapin sa buong bansa.

“The SBP-Passerelle program plays a crucial role in the development of young cagers by providing them with invaluable experience in competing against teams from various schools across different regions” saad ni Monica Jorge, executive director ng Basketball Efficiency and Scientific Training (BEST) Sports, Inc.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hati sa dalawang SBP division ang nasabing programa mula sa dalawang age bracket, (9-11 anyos) at (12-15 anyon).

Magsisimula ang mga regional games sa Oktubre 12 sa Roxas at tatapusin ito sa General Santos sa Disyembre 27.

Isa sa umano’y dapat abangan ay ang rule na "no benchwarmers”, na nagbibigay-daan sa lahat ng manlalaro na makasali sa kahit isang quarter ng laro.

Matatandaang itinatag ng yumaong coach na si Nic Jorge, ang programang ito ay nagbigay-daan sa maraming alumni, kabilang ang mga kasalukuyang pro stars na sina Kai Sotto, Kiefer at Thirdy Ravena, Jeron Teng, LA Tenorio, Larry Fonacier, at mga magkapatid na sina Dave at Sean Ildefonso.

Ang SBP-Passerelle program ay nananatiling suportado ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Kate Garcia