December 13, 2025

Home BALITA National

Mark Andrew Yulo, inimbitahan ni Sen. Bong Go sa PBA game

Mark Andrew Yulo, inimbitahan ni Sen. Bong Go sa PBA game

Ibinahagi ng tatay ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo ang ilang mga larawan ng pagtatagpo nila ni Sen. Bong Go sa naganap na PBA game sa Ninoy Aquino Stadium. 

Ayon sa simpleng Facebook post ni Yulo noong Setyembre 20, nagpasalamat siya sa senador sa imbitasyon nito sa kaniyang manood ng PBA game. Batay sa hashtag ay mukhang maka-Ginebra team ang tatay ni Caloy.

"Thank you so much Senator Bong Go for inviting us," mababasa sa caption ni Yulo.

Thank you so much Senator Bong Go for inviting... - Mark Andrew Yulo | Facebook

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Hindi naman malinaw kung kailan pa nagkaroon ng ugnayan at pag-uusap sina Yulo at Go.