November 23, 2024

Home SHOWBIZ

Gurong nagkamali ng sagot kung sino unang babaeng PH president, nagsalita na

Gurong nagkamali ng sagot kung sino unang babaeng PH president, nagsalita na
Courtesy: Tonymatters/FB screengrab; ABS-CBN It’s Showtime/YouTube screengrab

Naglabas ng pahayag ang gurong naging contestant sa “It’s Showtime” matapos mag-viral ang kaniyang maling sagot sa katangunan kung sino ang unang naging babaeng pangulo ng Pilipinas. 

Matatandaang sa segment ng “It’s Showtime” na “Throwbox!” noong Setyembre 19, isa sa mga tinanong sa contestant na si “Tony” ang tungkol sa unang babaeng naluklok bilang presidente ng Pilipinas.

“Gloria Macapagal Arroyo,” sagot naman ng contestant, bagay na mali dahil ang unang babaeng pangulo ng bansa ay si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.

Kaugnay nito, mabilis na naging usap-usapan sa social media ang naging pagsagot ni Tony lalo na’t may master’s degree raw ito, nagdi-doctorate din st walong taong guro.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

MAKI-BALITA: 'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Dahil dito, humingi ng paumanhin si Tony sa kaniyang pagkakamali sa pamamagitan ng isang video message.

Samantala, sinabi rin niyang nakululungkot lang daw na parang hinusgahan na ang kaniyang buong pagkatao dahil sa naturang pagkakamali.

“Nakakalungkot lang kasi we are still in the era of making mistakes, like one mistake about it, and it will sum up who you are,” ani Tony.

Muli rin niyang ipinaliwanag na nagkamali raw siya ng isinagot dahil na-pressure siya lalo na’t limang segundo lang ang mayroon siya para sumagot.

“Sana naisip ninyo na what if you are in that position, na yah, that’s a very basic question but dumadaloy sa’yo ‘yung pressure, so hindi ka makakasagot talaga,” ani Tony.

“It’s really saddening for people na yung mistake na yun, it will really really be taking against you,” dagdag niya.

Sa kabila rin ng inaaning kritisismo ngayon, sinabi niyang magpapatuloy siya sa pagiging “better version” ng kaniyang sarili.

“I will continue to be a better person. I will continue to be a better version of myself. I will continue learning. I will continue working and researching. Yes, again, I made a mistake but it doesn’t mean I will just be there,” saad ni Tony. 

KAUGNAY NA BALITA: Guro, naglabas ng saloobin sa kapwa gurong namali ng sagot sa 'It's Showtime'