November 23, 2024

Home FEATURES Trending

Guro, naglabas ng saloobin sa kapwa gurong namali ng sagot sa 'It's Showtime'

Guro, naglabas ng saloobin sa kapwa gurong namali ng sagot sa 'It's Showtime'
Photo courtesy: Hector Panti (FB)

Umani ng reaksiyon sa mga netizen ang viral video ng isang gurong contestant sa segment na "Throwbox" ng noontime show na "It's Showtime" na nagkamali ng sagot sa tanong kung sino ang kauna-unahang Filipina na naging presidente ng bansa.

Sa halip na "Corazon Aquino" ang isagot, ang nasambit ng gurong si "Tony" ay si Gloria Macapagal Arroyo (GMA) na pangalawang Filipinang naging pangulo ng bansa.

Umani ng katakot-takot na kritisismo ang guro dahil noong una raw kasi ay panay flex pa umano ito ng kaniyang academic achievements, lalo na ang pagdalo niya sa isang research presentation sa South Korea, na ang sabi niya, ay siya lamang ang kaisa-isang Filipino delegate na naimbitahan dito.

Bukod dito, katatapos lang daw niyang mag-masteral kaya’t nag-aaral siya ngayon para sa kaniyang doctorate degree habang nagsisilbi ring guro sa loob ng walong taon, kung saan nagturo raw siya ng Literature at English.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Saad naman ng mga netizen, "mapapatawad" daw sana ang guro sa pagkakamali nito kung noong una pa lamang ay naging "humble" na ito at hindi nag-flex ng achievements niya.

"Iritang irita ako sa naglalaro sa Showtime today. Daming kuda na nagresearch conference sa korea, nagschool sa poveda, DZAI FIRST WOMAN PRESIDENT HINDI KILALA?"

“Jusko, basic na first female president GLORIA ARROYO LIKE? SIR???? ”

“KALOKA KA TONY! Confident pa sya sa Gloria Arroyo HAHA.”

“Nagyabang pa yung player na sya lang yung only Filipino chu chu sa Korea pero hindi kilala kung sino first woman president ng Pilipinas. ”

“Daming flex ni koya mali naman sagot first female president .”

“Again... we badly needed a better educational system .”

“Basic pero di nya nasagot ang unang babaeng naging Pangulo ng Pilipinas.”

“Omgee teacher ka pa naman di mo alam first woman president of the Philippines .”

"ganito sa pinas. pag nagkamali ka ng isang beses. lalaitin ka ng buong madlang pipol"

"SAAN Mang libro Yan, SI Cory Aquino Ang unang babaeng Presidente..."

MAKI-BALITA: 'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

SALOOBIN NG ISANG KAPWA GURO

Isa sa mga nag-viral na saloobin ng isang netizen patungkol dito ay Facebook post ng isang nagngangalang "Hector Panti."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 37k reactions at 33k shares ang kaniyang post tungkol sa isyu, na naglalaman ng kaniyang saloobin patungkol sa nangyari.

Aniya, nagkaroon daw siya ng realisasyon patungkol sa masyadong pagfe-flex ng achievements sa social media.

Mababasa sa kaniyang post, "I came across a video recently where someone with impressive achievements — a master’s degree, research presentations abroad, and pursuing a PhD — proudly shared his accomplishments on a game show. However, when he got a simple trivia question wrong, the backlash was intense."

"It made me reflect on how we view confidence and achievement. There’s nothing wrong with being proud of what you’ve worked hard for, but sometimes too much 'flexing' can set unrealistic expectations. People start to believe that if you’re that accomplished, you can’t make even a small mistake."

Para kay Panti, kahit gaano pa katagumpay o ka-edukado ang isang tao, puwede pa rin siyang magkamali.

"But here’s the thing: no matter how successful or educated someone is, no one is immune to errors. Flaunting achievements may boost your image, but it can also put a target on your back when things go wrong. In the end, we’re all human, and we all slip up — even the ones who seem to have it all figured out."

Kaya napagtanto ni Panti na walang problema ang "confidence" subalit kailangan lamang itong ipareha sa kababaang-loob at pag-unawang walang perpekto sa mundo.

"So maybe there’s a balance to be found. Confidence in what we’ve achieved is great, but let’s pair it with humility and an understanding that nobody is perfect."

"Instead of bashing someone for a mistake, let's recognize that accomplishments and flaws can coexist," aniya.

Hector Panti - I came across a video recently where someone with... | Facebook

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Panti, napag-alamang siya ay nagtuturo ng Science and Research subjects sa Senior High School ng Perpetual Help National High School, sa Iriga City.

PAGSASALITA NI TEACHER TONY DIZON

Matapos umano ng katakot-takot na batikos at lait sa social media ay nagsalita na rin si Tony tungkol sa isyu.

Sa pamamagitan ng video ay sinabi ni Tony na aware siyang maraming lumilibak sa kaniya sa social media at naging laman ng iba't ibang posts, lalo na sa mga kapwa niya guro.

Inamin niyang maging siya ay nagulat nang sambitin niya ang pangalan ni GMA bilang sagot sa tanong.

Aminado siyang kinabahan siya nang mga sandaling iyon dahil iba raw ang pressure na dala ng limang segundong palugit sa pagsagot, at napapanood pa sa national television.

Pero hindi raw ibig sabihin na nagkamali siya, ito na ang magdidikta sa kaniyang buong pagkatao at mag-iinvalidate sa kaniyang mga achievement. May mga tumuya pa nga raw sa kaniyang "Teacher ka pa naman" at may master's degree, pagkatapos mali naman ang naging sagot sa isang maituturing na "trivial question" na bahagi na ng kasaysayan.

"Yes, I made that mistake, and I'm sorry about it," aniya.

Mensahe niya sa bashers na patuloy na nagbabato ng negatibong komento sa kaniya, go lang daw sila kung saan sila masaya, ngunit hindi raw makukuha sa kaniya ang mga nagawa niya at naitama niya.