Masayang ibinahagi ni Kapuso star Bea Alonzo na finally ay nakuha na niya ang residency card sa bansang Spain, na nangangahulugang legit at legal na legal na talaga ang pagiging residente niya roon.
Ibinahagi ni Bea sa kaniyang Instagram story ang larawan kung saan nasa kamay na niya literally ang nabanggit na residency card, patunay na puwede na siyang manirahan sa bansang iyon anytime.
Iyon daw ang dahilan kung bakit nagpunta sa Madrid si Bea.
Matatandaang bumili ng property si Bea sa nabanggit na bansa bilang bahagi ng aplikasyong maging residente doon.
Kinakailangang pasok sa halagang €500,000 o ₱29,515,048 batay sa exchange rates noong 2022 ang halaga ng bibiling property upang makapasok sa eligibility na maging residente roon.
Noong Nobyembre 2023 ay masayang ibinahagi ni Bea na legal at opsiyal na siyang residente ng Spain.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo legal at opisyal nang residente sa Spain
Take note na residente pa lamang si Bea sa Madrid at hindi full-pledged na Spanish citizen.
Ngunit ano nga ba ang benepisyo kung isa kang dayuhan subalit may residency card ka sa Spain?
Bagama't hindi pa naman umaalis si Bea sa Pilipinas at namamayagpag pa rin ang showbiz career sa GMA Network, may 11 benepisyo raw ang paninirahan sa Spain ayon sa artikulong "Housing Anywhere."
Una na rito ang safety o ligtas na paninirahan dahil ayon sa mga pag-aaral, isa sa top 41 na mga bansa sa mga mundo ang Spain pagdating sa safetiness, at pang-21 naman ang Madrid kung pag-uusapan naman ang safetest cities sa buong mundo.
Ang healthcare naman ng Spain ay pangwalo sa mga pinakamahusay sa mundo, na talagang benepisyo sa mga nagtatrabaho at naninirahan dito.
Iba pang mga rason ay mahusay na transport system, magagandang properties, easy Visa, sinusunod na Beckham's Law, family at retirement friendly, Mediterranean diet, madaling pagnenegosyo, pet-friendly, at magagandang beaches at tourist spots.