November 22, 2024

Home SPORTS

Ateneo pinatunayan mas malaki ‘bird’ nila sa Adamson

Ateneo pinatunayan mas malaki ‘bird’ nila sa Adamson
Photo courtesy: UAAP Media

Ito na kaya ang tuloy-tuloy na ratsada paimbulog ng tropa ni Tab Baldwin?

Umarangkada na ang Ateneo Blue Eagles matapos ang mailap na 0-3 record matapos makipagsabayan sa Adamson Soaring Falcons at inuwi ang unang panalo nila sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season 87 Men’s Basketball Tournament, noong Sabado, Setyembre 21, 2024 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Hindi na hinayaan ng Blue Eagles na makadikit pa ang Falcons sa huling quarter at tinapos ang laro, 60-51.

Ito ang unang panalo ng Ateneo matapos ang three consecutive losing game nila kontra Fighting Maroons, Growling Tigers at Green Archers.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We’re, obviously, very happy. The guys fought really hard. I said early on that we’re the team that’s gonna play in patches, which is typical of a young team,”ani Ateneo head coach Tab Baldwin sa post-game interviews.

Pinangunahan ng nagbabalik na team captain Chris Koon ang Katipunan based-team matapos magpakawala ng unang 3-point shot sa first quarter upang maagang matamabakan ang San Marcelino squad at rumatsada ng 7-0 run. Ito ang unang pagtapak ni Koon sa court nang indahin n’ya ang ankle injury at mawala ng dalawang game sa Ateneo.

Samantala, nagtangka pang humabol ang koponan ng Soaring Falcons sa pangunguna ni Ced Manzano nang mahigit nila sa tatlo ang kalamangan ng Ateneo 54-51 sa fourth quarter ngunit bigo pa rin nitong maitabla ang score.

Nagawang putulin ng Ateneo ang 0-3 record nila na huli pang naranasan ng dating reigning champions noong 2012 season 76. Umakyat sa ikapitong sa team standing ang koponan na may 1-3 record habang bumaba naman sa ikaapat ang Adamson na may 2-2 standing record.

Kate Garcia