December 22, 2024

Home BALITA

Trillanes, sinita pagkikita nina VP Sara, Leni: 'Somebody is lying to cover up!'

Trillanes, sinita pagkikita nina VP Sara, Leni: 'Somebody is lying to cover up!'
Photo courtesy: via MB/Leni Robredo (FB)

Tila hindi nagustuhan ng dating senador at kakandidatong mayor ng Caloocan City na si Antonio "Sonny" Trillanes IV ang balita ng pagtungo ni Vice President Sara Duterte sa bahay ni dating Vice President Leni Robredo, sa pagdiriwang ng pista ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa Naga, Camarines Sur.

Sumang-ayon si Trillanes sa isang X post at ni-reshare niya ito.

"Ang pagkikita nina Sara at Leni ay hindi spontaneous. May namagitan sa kanila na hindi hinindian ni Leni. Walang spontaneity kay Sara. Planado lahat ang pamumulitika ng mga Duterte. Control freaks sila. Ayaw na ayaw nila ng sablay. Kahit nga ang drama niya sa House ay contrived," mababasa sa X post.

Nireshare naman ito ni Trillanes. Aniya, "I agree. Based on our info, the visit was arranged and well-coordinated a few days ago. Somebody is lying to cover up the political blunder of meeting Sara."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Ganito kasimple yan, pumunta si Sara kay VP Leni kasi Sara understands the positive optics for her. Alam ni VP Leni yang agenda na yan and yet she agreed to be part of it anyway. Yan ang mali na kinocall out ko."

Photo courtesy: Screenshot from Sonny Trillanes (X)

Matatandaang nilinaw ni Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo, na kusang nagpunta si VP Sara sa tahanan ni Robredo nitong Setyembre 20.

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

"Personal" daw ang pag-uusap nila at hindi politikal, bagay na kinumpirma rin ni Robredo sa isang pahayag.

Naglabas din ng opisyal na pahayag si VP Sara kaugnay nito.

MAKI-BALITA: OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento ang reshared X post ni Trillanes.

"At least when Sara asked for a photo with VP Leni doing a hand on heart pose eh she declined. Buti naman."

"I think Trillanes very much understands the positive optics for him by taking a swipe at Leni at every chance he gets. That’s it."

"Mr. Trillanes, sir, it appears na hindi mo gamay ang ugali ng karamihan sa aming mga Bicolano. Dito po sa amin, pag lumapit ka sa Isang tao na mapagpakumbaba ang approach at ang purpose ay makikipagusap lang naman, ikaw ay patutuluyin, regardless kung ano man ang ulterior motive mo. Also, sa history, even mortal enemies can meet peacefully if one party asks for it."

"Kahit anong intriga ibato mo, twist the narrative all you want, people will never see you the way they see Leni. You will never be the face of justice and good governance you so desperately want. Leni has already established her credibility. You can't take that away from her."

"Sir, we all know you’re running for public office again. No need to criticize former VP Leni for the courtesy she showed the current VP.. even if hindi deserve nung current VP ang kabaitan ni Mam Leni. We all know she is not the type to disrespect people."

Samantala, bukod kay VP Sara ay bumisita rin kay Robredo sina Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos. 

MAKI-BALITA: Sen. Revilla, Sec. Abalos binisita si ex-VP Leni