January 23, 2025

Home BALITA Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral
Photo courtesy: Freepik

Usap-usapan ang isang viral na open letter mula sa isang ina sa India matapos niyang maglabas ng sama ng loob sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng kaniyang 26-anyos na anak, na sumakabilang-buhay dahil sa pagiging "overworked."

Batay sa mga ulat, ang liham ay gawa ng isang nagngangalang "Anita Augustine," na naglabas ng kaniyang pagkadismaya sa boss at mga katrabaho ng anak na si Anna Sebastian Perayil.

Photo courtesy: @kaay_rao (X)

Si Perayil ay isang chartered accountant sa isang accounting firm sa Pune, India.

Nakasaad sa sulat na Marso nang pumasok sa prestihiyosong kompanya si Perayil, at dahil ito ang unang trabaho at punumpuno pa siya ng mga pangarap na nais matupad, ibinuhos umano ng anak ang kaniyang panahon at atensyon para sa paglilingkod dito.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Kahit daw maraming nagsasabing "overload" ang work sa nabanggit na kompanya ay tiniis pa rin daw ito ng anak. 

"She worked tirelessly at EY, giving her all to meet the demands placed on her. However, the workload, new environment, and long hours took a toll on her physically, emotionally, and mentally," bahagi ng bukas na liham. 

Kahit daw pinayuhan na ng cardiologist na magpahinga siya dahil kulang siya sa tulog at late na rin kumain, hindi pa rin daw nagpatinag si Anna dahil sa dami ng mga dapat niyang gawin sa trabaho, at hindi pa siya puwedeng mag-leave. 

Kaya ganoon na lamang ang pagkagimbal ng ina nang dumating ang malungkot na balitang pumanaw ang anak, noong Hulyo.

Ngunit ang mas ikinalungkot ng ina, ni isa mula sa kompanya ay walang dumalaw sa funeral ng anak.

Kaya payo ng ina sa young professionals, busisiing mabuti ang work culture ng kompanyang papasukan.

Samantala, nagpadala naman ng pakikiramay ang kompanya sa isang opisyal na pahayag at ipinaliwanag na nalulungkot umano sila sa pagkamatay ni Anna.

"‘Anna was a part of the Audit team at S R Batliboi, a member firm of EY Global, in Pune for a brief period of four months, joining the firm on 18 March 2024. That her promising career was cut short in this tragic manner is an irreparable loss for all of us.," bahagi ng pahayag na napaulat naman sa Wion News. 

Dagdag pa, "While no measure can compensate for the loss experienced by the family, we have provided all the assistance as we always do in such times of distress and will continue to do so."