December 23, 2024

Home SPORTS

KILALANIN: PBA players at icons, gagawaran ng pagkilala ng PBA Press Corps

KILALANIN: PBA players at icons, gagawaran ng pagkilala ng PBA Press Corps
Photo courtesy: PBA (FB) and PBA Press Corps (FB)

Nakatakdang kilalanin ng Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps ang ilang manlalaro ng liga kasama ang tinaguriang “PBA Legends” para sa 30th PBA Press Corps Awards Night sa darating na Martes, Setyembre 24, 2024 na gaganapin sa Novotel Manila Araneta City, Cubao, Quezon City.

Inumpisahan ng PBA Press Corps ang anunsyo ng nasabing awarding sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook post noong Setyembre 16, 2024 kung saan nauna na nilang pangalanan ang nominasyon ni San Miguel Beermen June Mar Fajardo (Order of Merit) at Meralco Bolts Robert Bolick Jr. (Scoring Champion).

Sinundan naman ito ng panibagong anunsyo noong Setyembre 19, 2024 kung saan pangungunahan ni Barangay Ginebra Stephen Holt ang All Rookie Team habang si Meralco Bolts Kier John Quinto bilang “Mr Quality Minutes.”

Inanunsyo rin noong Setyembre 20, 2024 ang pagkilala kayna Barangay Ginebra LA Tenorio at Magnolia Hotshots Ian Sangalang bilang “Bogs Adornado Comeback Players of the Year” at Clifford Hodge bilang “Defensive Player of the Year.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatda rin muling parangalan si PBA Legend at 13 times champion Robert Jaworski ng “Lifetime Achievement Award.”

Samantala, kinumpirma rin ng PBA Press Corps na si seventh PBA Commissioner Renauld Barrios ang nangunguna sa naturang gabi ng parangal.

Kate Garcia