November 22, 2024

Home BALITA

'Di tayo bastos!' Atty. Barry, nagsalita sa pagkikita nina VP Sara, Leni

'Di tayo bastos!' Atty. Barry, nagsalita sa pagkikita nina VP Sara, Leni
Photo courtesy: Inday Sara Duterte (FB) via Wikipedia/MB File Photo/Leni Robredo (FB)

Nagsalita ang dating spokesperson ni dating Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez patungkol sa umano'y pagdalaw ni Vice President Sara Duterte sa tahanan ng una, sa pagdiriwang ng pista ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa Naga, Camarines Sur.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay Gutierrez, “personal” at “hindi politikal” ang naging pag-uusap nina Duterte at Robredo.

"VP Sara visited former VP Leni at her house. VP Leni learned of the visit minutes before when she was informed that VP Sara was already on the way. The visit lasted for about an hour,” ani Gutierrez sa ABS-CBN News.

“The conversation was personal and not political," dagdag pa niya.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Sa kaniyang X post nitong Setyembre 21 ng madaling-araw, muling nagbigay ng detalye si Gutierrez hinggil sa pag-uusap ng dalawa. Para sa kaniya, hindi man niya gusto ang politika ni VP Sara, dapat lamang daw na magalang siyang tanggapin ni ex-VP Leni sa kaniyang tahanan bilang pagkikita ng paggalang.

"Ang simpleng kuwento:

"Dumiretso sa bahay ng biglaan. Tinanggap niya ng maayos. Nag-usap- hindi tungkol sa pulitika. Kuwentuhan hindi meeting. Umalis. Tapos."

"Hindi ko gusto ang pulitika ni Sara Duterte. Pero tama lang na magalang siyang tinanggap ni VP Leni."

"Di tayo bastos," aniya.

Photo courtesy: Atty. Barry Gutierrez (X)

Ilang mga personalidad naman ang nagbigay ng reaksiyon tungkol dito, kabilang na si dating senador at kaalyado ni Robredo sa nagdaang eleksyon na si Sonny Trillanes, na tatakbong alkalde sa Caloocan City.

MAKI-BALITA: Trillanes, sinita pagkikita nina VP Sara, Leni: 'Somebody is lying to cover up!'

Samantala, naglabas na rin naman ng opisyal na pahayag ang Office of the Vice President (OVP) kaugnay rito.

MAKI-BALITA: OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga