Inulan ng batikos online ang isang zoo sa China matapos matuklasang hindi totoo at pinagmukhang "panda" lamang ang ilang mga aso.
Ayon sa ulat ng US-based newspaper na New York Post na pinagbatayan naman ang ilang mga lokal na pahayagan, isang viral video mula sa Shanwei Zoo sa Guangdong province ang nagpakitang biglang tumahol ang mga "panda" sa mga turista na natuklasang mga aso pala.
Dahil dito, hiniling ng mga turista na ibalik ang ibinayad nilang entrance fee para lang makakita ng panda.
Noong una, sinabi ng zoo na ang mga nabanggit na hayop ay "panda dogs" subalit kalaunan, inamin umano nilang pinagmukha nilang panda ang dalawang chow chows na tipial sa northern China.