November 25, 2024

Home BALITA National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025
(Courtesy: PCO/FB; MB file photo)

Pinasalamatan ng Presidential Communications Office (PCO) ang House of Representatives dahil sa mabilis umano nitong pag-apruba sa kanilang ₱2.281 bilyong panukalang budget para sa taong 2025.

Nitong Biyernes, Setyembre 20, nang lumusot sa deliberasyon ng House plenary ang panukalang budget ng PCO.

“The fact that our budget breezed through plenary without a single question asked and no opposition manifested spurs us more to deliver on the outcomes we have promised in that budget,” pasasalamat ni PCO Acting Secretary Cesar Chavez sa isang pahayag nito ring Biyernes.

“We appreciate the House’s full support for our new programs, the driving mandate of which is the truthful and timely communication of government services and initiatives to the public and all issues that affect them.”

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ayon kay Chavez, ang naturang pag-apruba raw ng Kamara sa kanilang proposed budget ay nagbibigay ng kumpiyansa sa kaniyang misyong sisikapin umano nilang ipatupad nang epektibo.

“We pledge to spend every peso efficiently, according to plans and programs, and fully compliant with laws,” saad pa niya.