November 22, 2024

Home SPORTS

PBA 4-point shot, ekis kay 7x NBA Champion Robert Horry

PBA 4-point shot, ekis kay 7x NBA Champion Robert Horry
Photo courtesy: Lakers Nation website and One Sports (FB)

Hindi boto si seven times National Basketball Association (NBA) champion Robert Horry sa bagong pakulo ng Philippine Basketball Association (PBA) na ipatupad ang 4-point shot sa liga.

Sa pagbisita ni Horry sa bansa para sa isang NBA store sa SM Megamall noong Miyerkules, Setyembre 18, 2024, sinabi ni Horry ang kaniyang saloobin sa naturang 4-point rule.

“That’s the way the game is now. So many kids want to shoot the long ball when they’re not understanding it’s about getting buckets,” saad ni Horry sa panayam niya sa media.

Si Horry ay isa sa mga manlalaro ng NBA na naging record holder na ‘most career threes’ sa NBA finals na nakapagpakawala ng 52 baskets.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dagdag pa ni Horry, hindi raw umaano mauunawaan ng mga aspiring basketball players ang tunay na paglalaro kung aasinta lamang ang mga ito sa pagtira mula sa kuwatro.

“To me, when you add a four-point, it makes kids not really want to play the game. They just want to shoot the ball. I am just worried in terms of their growth as athletes.”

Matatandaang ang PBA ang kauna-unahang nagpatupad ng 4-point shot sa kasaysayan ng PBA na naglalayon umanong mabigyan ng magandang laban ang fans. 

KAUGNAY NA BALITA: First ever 4-point rule ng PBA, pasabog sa PBA fans

“So, I just want to remind the young ballers to just play the game the right way, get buckets, have fun, play defense, and just enjoy the game,” dagdag pa ni Horry.

Si Horry ay naging parte ng mga koponan ng Houston Rockets, Los Angeles Lakers at San Antonio Spurs bago tuluyang magretiro at tapusin ang karera na may pitong kampeonato sa liga. 

Kate Garcia