December 23, 2024

Home BALITA National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga
MULA SA KALIWA: Vice President Sara Duterte at dating Vice President Leni Robredo (Photo: House of Representatives/FB; Robredo/FB)

“She neither looked desperate nor distressed.”

Naglabas ng pahayag ang Office of the Vice President (OVP) hinggil sa napabalitang binisita ni Vice President Sara Duterte si dating Vice President Leni Robredo sa Naga City.

Ayon sa OVP, inimbitahan si Duterte ng isang kaibigan sa Bicol upang dumalo sa centennial anniversary mass ng Canonical Coronation of Our Lady of Peñafrancia nitong Biyernes, Setyembre 20.

Ang naturang kaibigan din daw ng bise presidente ang nag-organisa ng “casual meeting” kasama si Robredo.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Vice President Sara Z. Duterte is excited to experience her first-ever Peñafrancia fiesta. She was invited by a Bicolano friend to attend the centennial anniversary mass of the Canonical Coronation of Our Lady of Peñafrancia on September 20,” anang OVP sa isang pahayag.

“The same friend also arranged a casual meeting with former Vice President Leni Robredo. During her stay in Naga, Vice President Duterte visited several prominent Bicol personalities and heard mass with ordinary Bicolanos.

“She neither looked desperate nor distressed,” dagdag pa nito.

Nitong Biyernes ng gabi nang ihayag ng dating spokesperson ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na binisita ni Duterte si Robredo sa bahay nito sa Naga.

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga