December 23, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

'Nangangamoy international!' First Filipino zombie film sa Netflix, hinangaan ng netizens

'Nangangamoy international!' First Filipino zombie film sa Netflix, hinangaan ng netizens
Photo Courtesy: Netflix

Tila hindi makapaniwala ang maraming netizens na gawang Pinoy ang “Outside” na unang Filipino zombie film sa Netflix.

Sa Facebook post ng Netflix nitong Huwebes, Agosto 19, inilabas na nila ang official trailer ng nasabing pelikula. 

“When the world turns upside down, you only have your family to lean on… for better or worse ” saad sa caption ng post.

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing trailer. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

"Nangangamoy international recognitions ha. Congrats in advance!"

"Men. I thought this was foreign made movie at first. Nice cinematography "

"finally an actual filipino zombie movie that isn't comedy"

"Ang lakas maka 'In the tall grass' at '1922' yung vibes."

"luh galing ng trailer,,, prang pang hollywood horror! galing aaa,,, usualy OA ang pinoy horror pero eto ibang klase pang world-classs taray!"

"The trailer is giving! Finally something different from common filipino horror movies. Looking forward to this! "

"Parang gawa sa ibang bansa ang atake Abangan ko ito."

"WTF i thought its stranger things 5"

Nakasentro ang kuwento ng “Outside” sa isang pamilyang tumakas patungo sa isang malayong farmhouse sa probinsya sa gitna ng zombie outbreak.

Pagbibidahan ito nina Sid Lucero, Beauty Gonzales, Marco Masa, at Aiden Tyler Patdu sa direksyon ni Carlo Ledesma.

Mapapanood sa Netflix ang nasabing pelikula sa darating na Oktubre 17.