Tatakbo si dating Vice President Leni Robredo bilang alkalde ng Naga City sa 2025 elections.
Kinumpirma ito ni Liberal Party executive vice president Erin Tañada nitong Biyernes, Setyembre 20.
Matatandaang kamakailan lamang ay nauna nang ipinaliwanag ni Robredo kung bakit bilang Naga City mayor ang pinaplano niyang takbuhan sa darating na eleksyon sa halip na sa isang national seat tulad ng senador.
MAKI-BALITA: Robredo, ipinaliwanag dahilan ng hindi niya pagtakbo bilang senador sa 2025
Samantala, inanunsyo rin ni Tañada na muling tatakbo bilang senador ang naging running mate ni Robredo noong nakaraang eleksyon na si dating Senador Kiko Pangilinan.
KAUGNAY NA BALITA: 'CheKiBam': Chel, Kiko, Bam, idineklara pagtakbo bilang senador sa 2025
KAUGNAY NA BALITA: Kiko Pangilinan, tatakbong senador para sa 'better future' ng mga Pinoy